🌻Chapter 25 Einstein is...GRRR

2.4K 63 10
                                    

Sunny Pov

Kainis!! Kainis talaga!! Halos matatapos na ang araw ngayon at hindi ko pa din mahagilap si Einstein dito sa Yonhwa GRRR...

Inis na nagmartsa ako papuntang library ewan ko pero feeling ko talaga at don ko makikita ang lalakeng yun.

Naku, nagiging posessive na ba ako? Am I crossing the line already? Pero bahala na siguro naman may karapatan na akong magtanong kay Einstein kahit papaano, wag lang talaga siyang magkakamaling paasahin ako dahil sa ospital ang pagdadalhan niya.

Nang marating ko ang library ay automatikong iniscan ko ang paligid para hanapin si Einstein at tama nga ang hula ko nandito nga talaga siya.

"Wow huh...sobrang busy mo atang magbasa at ni hindi mo magawang magpakita sa'kin".

I hate this. Umaasta na nga akong may karapatan na sa kanya.

But hell I don't care sobrang landi niya kahapon tapos ganito na siya ngayon? Eh kung pagsasapakin ko kaya siya??

"I'm sorry... I'm just busy". Nice.

Nakatayo lang ako habang siya naman ay nakasandal sa isang shelf at nakaupo sa sahig.

"Hindi mo ko sinundo kanina at sa telephone ka pa talaga tumawag".

"I'm busy Sunny sorry".

Nakakapang-init ng ulo at hindi ko na nga nagawang pigilan ang sarili ko para kunin ang librong binabasa niya.

"Hey". Sita niya pero hindi ko 'to pinakinggan.

"Subukan mo lang na paasahin ako at talagang malilintikan ang lahat ng libro dito sa library!".

I'm so pissed.

Tumayo si Einstein at nagsimula na ulit magsalita.

"Fine. I'm sorry ok..I'm sorry Sunny".

Niyakap niya ako na wala man lang pasabi.

"I'm sorry..magulo lang talaga ang isip ko ngayong araw".

"Matalino ka na naman. Genius ka pa nga, you don't need to study this much".

"Hmm...yeah".

"Tama na yan, makita pa tayo ng mga tao dito at ma-scandal pa tayo".

"Hahaha nagtatampo ka ba sakin?".

"Ano sa tingin mo? Ang sarap mo na ngang gisahin sa utak ko bwisit ka!".

*TSUP

Ay peste nanghahalik na naman na walang pasabi!

"I told you don't curse when I'm around coz I will really kiss you even in public".

Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran.

"Ulitin mo pa yun at malilin-".

"Sunny..".

Aaaaarrrgh,., hindi ko na natuloy dahil bakas sa pagtawag niya ng pangalan ko ang matinding warning.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon