🌻Chapter 58 The Proposal

1.3K 38 5
                                    

Einstein Pov

I continued to follow the car of the guy. Hinding-hindi ko inalis ang mga mata ko dito sapagkat ito na ang pagkakataon na matagal ko ng hinihintay. Sa sobrang tagal ay muntik ng mabaon sa lahat ang mga nangyari. Hindi ako makakapayag na makatakas pa ito.

Hininto ko din ang kotse ko sa isang apartment. Dito ata nakatira ang lalake.

Nagmadali naman akong lumabas ng kotse para sundan siya bago pa man makapasok ito sa apartment niya ay pinigilan ko na siya.

"Anong kelangan mo bro?". Kunot-noong tanong nito sakin.

"Ikaw yung lalake na nagdala kay Sunny sa hotel na yun gago!".

Walang katao-tao sa labas kaya nagawa kong suntukin siya.

Parang bumalik lahat ng galit ko nong araw na yun.

"What's wrong with you?? Bakit ka ba nanununtok??". Galit na galit na turan nito bago tinulungan ang sarili na makatayo.

I grab his collar at galit na tinitigan siya sa mga mata niya.

"Wag ka ng magmaang-maangan pa! Ngayon ay sabihin mo sakin kung sino ang nag-utos sayo!".

"Hindi ko alam yang sinasabi mo". Naguguluhang sabi nito.

"Wag mong dalihin ang pasensya ko gago! I can make your life a living hell! You don't want to know me..I tell you". I gritted my teeth in anger.
Sinandal ko naman siya sa pader at sinakal. Nandidilim na ang tingin ko galit.

"Wa-wala akong alam". Nahihirapang usal nito.

"Wala?? Yung dinala mong babaeng estudyante sa Golden Crown Hotel a year ago hindi mo pa rin ba natatandaan??!".

"A--ano...".

"Lie to my face and I'll grant you HELL".

Parang mapapatay ko na ang lalake sa higpit ng pagkakahawak ko sa leeg niya.

But I am too mad now... I want the fuckin answer or else ay matutuluyan ko na siya.

"Te-teka! Sasabihin ko na!".

"Sino?".

Kitang-kita ko sa kanya na natatakot siyang banggitin ang pangalan nito ngunit pinili niya parin itong sabihin.

"Si ..Chanel Montez".

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa leeg niya at hindi makapaniwala sa narinig.

"A-anong sabi mo?". Nanghihina ang mga tuhod ko magkahalong pagkagulat at kaba ang nararamdaman ko.

No...

Tell me..hindi si Chanel...

Fuck.

"Si Chanel Montez yung kpop singer na nag-aaral na ngayon sa Yonhwa".

"Don't lie to me!". Galit na galit na sigaw ko sa pagmumukha ng lalake.

"Sinabi ko na sayo ang totoo! Ano pa bang problema mo?!".

Bakit?

Hindi magagawa yun ni Chanel...

"Inutusan niya akong i-set up yung babaeng sinasabi mo sa hotel kapalit ng pagpapagamot niya sa kapatid ko".

"Anong dahilan niya?".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon