🌻Chapter 21 In Trend

2.3K 61 18
                                    

Sunny Pov

Hindi pa din mawala sa labi ko ang labis na kasiyahan ang mapasali ako sa Top 20 ay isang himala! Ito na siguro ang greatest achievement ko in my 18 years of existence on planet Earth.

Mas lalo akong nangiti sa naisip.

At kayo mga assumera, hindi si Einstein ang dahilan ng saya ko today huh wag kayong green minded!

Oo green minded talaga!

Haha. K pasensya guys I'm just too overwhelmed.

"Ang saya mo ata ngayon ate?".

Nandito na pala ang pinakamamahal kong kapatid.

"May balita ako sayo at talagang ikakagulat mo mahal kong kapatid!".

"Yuck hahaha I didn't know you sound gross in speaking deep tagalog words ate".

Hay naku, isa din itong napakalaking KJ si Sandy pero hayaan na lang wala ang parents namin dito sa bahay dahil may business trip sa Singapore kaya pagtitiyagaan ko na lang munang kausapin 'to.

"Nakapasok ako sa Top 20!". Ngiting-ngiti na anawnsiya ko.

"Top 20 in what?".

"Sa listahan ng mga matatalino ng Yonhwa this semester!!".

"Ate...masyado ka ng ilusyunada".

Sinamaan ko nga ng tingin pero hindi ko din siya masisisi pati nga ako hindi pa rin makapaniwala.

"Nagsasabi ako ng totoo!".

"Weh? Ate wag mo nga akong ginogood time".

Langyang kapatid na 'to. Pa'no ko ba to mapapaniwala?

"Totoo nga!!!".

"Hay naku ate, itulog mo na lang yan nang magkatotoo sa panaginip mo man lang, pahiram na lang ng laptop pa-facebook saglit".

Kung ihampas ko kaya 'tong laptop sa pilosopa kong kapatid? Nawawala na tuloy ang good vibes ko sa batang 'to grrrr...

"Dito lang muna ako sa kwarto mo ate".

"Tss".

Bahala siya kung ayaw niya maniwala.

Hindi na lang ako nakipag-usap kay Sandy at nananahimik na humiga na lang ako sa kama para dalawin ng antok maiistress lang ako sa kanya.

"Ate!! Ate!!".

"May magnanakaw???".

Muntik pa akong mahulog sa kama nang bigla na lang nagtitili si Sandy at tinatawag ako.

Ayun na eh dinalaw na ako ng antok! Langya.

"Walang magnanakaw ate!! Naniniwala na ako sayo!!!".

Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Anong nakain ng batang 'to?

"See this ate bilis!! Oh my god!! Ate mamamatay na ako sa kilig dito!!!".

Pinagsasabi ng kapatid ko?

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon