🌻Chapter 56 Abnormal Couple

1.6K 45 11
                                    

Keeth Pov

Hindi ko na talaga alam kung paano ko pa sasakyan ang ugali ni Glitter Anikka Anderson.

Nakakaubos ng pasensya ><

Ring...Ring...

Calling... Glitter Ugly Duckling

Hahaha ang sama ko ba? Kahit na girlfriend ko pa siya ay nanatiling ugly duckling ang pangalan niya sa contact ko.

Haaay... Tatanggapin ko ba ang tawag ng babaeng 'to?

One message received..

Binuksan ko naman agad ang mensahe na pinadala niya.

From: Glitter Ugly Duckling

Sasagutin mo o sasagutin mo?

God. Gumawa pa siya ng choices sa lagay na yan?

Ako na mismo ang tumawag kay ugly duckling.

"Bwesit ba't ang tagal mong sagutin huh?? Kanina pa ako tumatawag sayo hayup ka palagi mo naman akong pinapatayan ng tawag!! Nasa'n ka?? Wag mo kong artehan ngayon dahil malilintikan ka talaga!! At wag na wag mo kong dededmahin at sa St. Peter's kita ipapalibing!!!".

Ouch. Ang sakit ng tenga ko. Grabe parang nabutas na nga ata ang eardrums ko sa lakas ng boses niya kaya tinatawag siyang megaphone nila Tristan dahil daig pa nga niya ito.

"Nasa bahay ako". Ilang araw na akong umabsent dahil iniiwasan ko siya.

Wala lang. Kapagod makipagbangayan sa kanya araw-araw. I need a break.

"Nakaalala na si Sunny!! Kaya pumunta ka na dito ng St. Lukes at talagang totohanin ko yung mga sinabi ko!!". Sabay baba nito ng tawag.

Ibang klase... Ginayuma nga ata ako ng babaeng yun!

I fall for the hard headed girl... I know guys..kawawa talaga ako.

Pero talaga bang nakaalala na si Sunny???

Nagmadali akong nag-ayos sa sarili at pumunta na ng hospital.

Glitter Pov

"Kawawa naman ang boyfriend mo butas ang tenga non sa kasisigaw mo".

"Ah hehehe sorry...napalakas ba?".

Sunny rolled her yes at me. Nakalimutan kong nandito pala ako sa kwarto niya.

"Wag mo nga masyadong sungitan si Keeth kapag yun makakita ng prim and proper iyak ka talaga sa tabi".

"Aba't subukan niya at mapapadali ang buhay niya!".

Subukan niya lang talaga. Siya naman ang may kasalanan nito in the first place kung hindi niya ako ginawang pretend girlfriend eh di sana hindi siya na-inlove sakin di ba?? Kaya magtiis siya! Hahaha ang kapal niya noon na ayawan ako pero siya pala ang unang nahulog sa aming dalawa.

Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa si Keeth.

"Mabuti at nagpakita ka may plano pa naman akong i-break ka".

Namutla naman siya sa sinabi ko kaya napangisi ako.

Under the saya ang future nito. Magaling. At least alam na niya kung sa'n siya lulugar. Mahal niya ako? Dapat lang siyang magtiis sa sama ng ugali ko.

"Babe naman..walang ganyanan".

Lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Bitaw at baka ikaw ang ipalit ko kay Sunny sa pwesto niya!".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon