🌻Chapter 57 The Guy

1.2K 38 0
                                    

Sunny Pov

Ilang beses niya na ba akong nasaktan?

Ilang beses niya na bang binasag ang puso ko?

...Tuwing hulog na hulog na ako sa kanya...Don naman siya bibitaw!!!

Palagi mo na lang akong iniiwan sa ere Einstein.

Gusto kong magalit! Gusto kong ipagsigawan kung gaano ka kawalang hiya!

But in the end of the day... Mahal pa din Kita...

Ang unfair lang ng buhay.

"Sunny...ang tahimik mo..may problema ka ba?".

Umiling ako.

"Hindi mo pa kinakain ang breakfast mo".

"Wala akong gana". I faced the other side of the bed.

"Sunny...".

"Iwanan mo na muna ako Glitter please".

Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan buti at sinunod niya ako.

I wiped my tears. Nakakainis hindi niya deserve na iyakan ko siya.

Maya-maya lang ay pumasok ulit sa kwarto ko.

"Sunny...kumain ka na".

It's Adrian.

"Adrian...".

"You're pale..kumain ka na nang makalabas ka na ng ospital".

Yun nga ang kinatatakutan ko eh..ang lumabas dito. Natatakot akong magkrus ang landas namin ni Einstein sa Yonhwa o sa labas man nito.

"Wala akong gana Adrian...".

"Kahit na, you should eat..please baby".

Adrian...

Ang lalakeng hinding-hindi ka kayang iwanan kahit anu pa man ang mangyari.

Bakit ba ..hindi na lang si Adrian?

Mahal ko naman siya ah..siguro naman mas mamahalin ko pa siya.

Tinulungan niya ako nong mga panahon na akala ko hindi ko na kayang mag-move on.

With Adrian makakalimutan ko din si Einstein. Sa kanilang dalawa mas deserving si Adrian sa pagmamahal ko dahil siya kaya niyang ibalik ang nararamdaman ko pero si Einstein?

Pa-fall at Paasa.

Tama na ang mga nasayang na panahon ko para sa isang walang kwentang tao.

Ngumiti ako kay Adrian at tinanggap ang pagkain na isinubo niya sa bibig ko.

This is it. I can fully move forward now... Closure na kung maituturing ang nangyari kagabi.

Ayaw na niya?..pwes ayaw ko na din sa kanya. Pagod na din akong umasa sa wala.

"That's my baby..I missed you so much alam mo bang nagtatampo na talaga ako sayo kasi kinalimutan mo ako?".

"I'm so sorry Adrian... I'm too thankful that even I pushed you away a lot of times you still didn't give up on me". Naiiyak na wika ko at niyakap siya ng mahigpit.

Now tell me... How can I break this guy who did nothing but to love me?

Wala akong karapatang saktan ang ganitong klase ng lalake.

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon