🌻Chapter 27 Magulong Lovelife

2.3K 55 2
                                    

Sunny Pov

"KYAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!".

Muntik ng mabasag ang eardrums ko sa biglaang pagsigaw ni Glitter na hindi ko man lang naalala na nandito pa pala siya sa tabi ko.

"Glitter!!". Saway ko sa megaphone kong bestfriend.

"Omg! Sila na ba??".

"I can't believe na magkakatotoo ang Team EINSTEINY!!".

"Waaaaaaaa shipper na din ako!".

"Huhuhu taken na ata si Einstein 😭😭😭".

Pulang-pula ako habang nakikinig sa mga komento sa paligid nakalimutan kong dito pala kami sa loob ng classroom naglalandian!

Hihi landian talaga! Peste kasi tong si Einstein bigla-bigla na lang susugod dito para pakiligin ako ngayong araw.

"Are you ok?". Napansin ata ni Einstein ang pamumula ko.

"Yeah pero...nakakahiya".

"Hahaha masyado ba kitang pinakilig?".

Hinampas ko siya sa braso.

"May gana ka pa talagang asarin ako no?".

"You're so cute...". At pinisil niya ang cheeks ko na mas lalo tuloy namula.

Walanghiyang Einstein 'to aatakihin ata ako sa puso nito isang araw dito sa Yonhwa.

Pero bigla din nagbago ang mood dito nang lumapit si Chanel sa pwesto namin.

"New couple in Yonhwa..interesting well..you two look good together".

Hindi naman nagmamaldita o nagpaka-sarcastic ang boses ni Chanel pero hindi ko pa din siya feel. Pakiramdam ko kasi may pinupunto siya, ewan pero hindi talaga palagay ang loob ko sa babaeng 'to.

Lumabas na din naman siya ng classroom after sabihin yun kaya parang naging awkward tuloy ang atmosphere kitang-kita ko pa nga ang pagkuyom ng mga palad ni Einstein na tila nainis kay Chanel.

Nakakapagselos..

Naiinis ba siya dahil parang wala lang kay Chanel ang nakita?

Gosh Sunny big deal agad?? Bilib na talaga ako sa pagkapraning mo.

Whatever.

"Wala kayong prof ngayon sa Finance niyo". Pagsisimula ulit ni Einstein ng conversation.

"Sure ka?".

"Yep narinig ko sila Ms. Minerva na may pinuntahang seminar si Ms. Carmina".

"Kaya ba pumunta ka dito?". Nahihiyang tanong ko.

Sumilay ang kakaibang ngiti ni Einstein halatang tuwang-tuwa siya na nahihiya ako ngayon sa harapan niya.

"Yes I think performing harana here in your classroom is way more better".

Shet na malagkit so nanghaharana nga siya sa'kin?? Waaaaa ang sarap maglupasay sa sobrang kilig!

Grabe landi mo na talaga Sunny!

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon