🌻Chapter 19 He Likes Me. He Likes Me Not

2.4K 93 16
                                    

Sunny POV

Mabuti naman at hindi nagpa-apekto si Glitter sa mga nangyari kanina, concentrate pa rin ito sa pagsagot ng mga exams namin hanggang sa matapos ang araw.

Nandito kami ngayon sa labas ng school at kasalukuyang hinihintay ang mga sundo namin pero kanina pa kami hindi nag-iimikan.

"Glitter".

Kakausapin ko na siya ngayon mukhang ok na naman siya.

"Sunny...omg! Sorry kanina something happened kaya hindi kita na-".

Nilapitan ko si Glitter at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya.

"Nakita ko kanina Glitter, sorry din at ngayon lang ako makipag-usap sayo kasi binigyan muna kita ng oras para sa sarili mo".

"Sunny...".

"Glitter, mag-usap kayo ng Kuya mo pakinggan mo siya bago ka magalit sa kanya..magkapatid kayo at Kuya mo siya wag mong hayaan na masira ang relasyon niyo ok?".

"Hindi ko naman talaga sinasadya na sigawan siya kanina eh :( nadala lang ako sa emosyon ko, wag kang mag-alala Sunny mag-uusap din kami ni Kuya pero hindi pa ngayon...masama pa kasi ang loob ko sa kanya dahil sa pagkampi kay Mikaela".

Tumango na lang ako at least narealize niya na may mali siya kanina.

"Sunny bumalik na si Mikaela... I know you're not ok".

"Glitter actually nong Sabado ko pa nalaman na bumalik na siya".

"What???".

Napabuntong hininga muna ako bago ako nagpaliwanag sa kanya.

"I did what you told me. I asked Tristan na samahan ako sa MOA at willing na sinamahan nga ako ng kuya mo..yun nga lang unexpectedly we saw her ex there".

"Oh my god, why didn't you tell me? I'm so sorry Sunny if alam ko lang sana hindi ko na lang sinabi sayo na magpasama sa kuya ko".

"Ganon talaga siguro they are fated to see each other again Glitter..tanggap ko na naman na wala na akong pag-asa".

"That's not true...nararamdaman ko kasi na gusto ka na ni kuya".

"Mahirap kalabanin ang gusto sa mahal Glitter".

Kitang-kita ko ang awa sa mga mata ni Glitter sa'kin.

"That Mikaela ruined everything even now!".

"Glitter wag ka masyadong magalit kay Mikaela..".

"Goodness Sunny!! Ang problema kasi sayo masyado kang mabait..ano yun payag ka na lang na balikan siya ni Kuya?".

"Kahit sabihin kong hindi wala din naman tayong magagawa Glitter kaya hayaan na lang natin sila".

"No Sunny... Never".

"Glitter naman..".

"I loathe her Sunny, sorry to say this but I will never ever forgive Mikaela, she ruined us before and I don't want that to happen again... Let's see each other tomorrow Sunny, mag-aral ka ng mabuti ok?".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon