🌻Chapter 42 ACADS, BASKETBALL, REVENGE

1.7K 49 3
                                    

Adrian Pov

TSS. Eh di siya na ang Genius!

Nakakainis man pero talo talaga ako sa lalakeng 'to pagdating sa acads ano ba naman ang laban ko sa isang genius? Matalino nga ako pero hindi kasing taas ang IQ ko sa kanya.

"Excellent Mr. Lee". Pumalakpak pa ang propesor namin sa Marketing mahahalatang tuwang-tuwa ito sa sagot ni Einstein.

Sa ilang araw na pananatili ko dito sa Yonhwa walang araw na hindi pinupuri ng mga professor namin si Einstein. TOP GENIUS nga siya ika inga! At hindi ko maipagkakailang sobrang talino niya gaya ng sabi nila Sunny.

Umupo na ulit si Einstein at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi niya na tila may ipinaparating. I don't know pero pakiramdam ko ay nakikipagpaligsahan siya sakin halata naman kasi.

Napapailing na lang ako sa kinauupuan ko.

Natapos ang marketing subject at kakapasok lang din ni Ms. Minerva sa klase namin. Our strict old maiden professor na akalain mong araw-araw may regla si Einstein nga lang ang kinakausap niya ng matino mostly kasi ng mga estudyante niya tinatakot niya, now I know kung bakit ganon ang kunsimisyon nila Sunny sa propesor na 'to. Totoong mainitin nga ang ulo.

As usual tahimik na naman ang classroom namin. It's the devil's time and no one dares to speak.

"Before we will start our class I would like to tell you some announcement".

May hawak-hawak siyang index card na don ata niya pagbabasehan ang magiging announcement niya sa klase.

"So two weeks from now is Yonhwa's Intramurals and later 1pm in the afternoon is the try out of all sports competition if you think you're a good player then don't hesitate to join".

Nagsimula ng magbulungan ang klase.

"I'm not yet finish. Silence".

Tumahimik ang klase.

"So there will be basketball, volleyball, football, soccer, badminton, swimming, tennis, billiards, chess and bowling".

Cool naman.. May bowling competition pala ang Yonhwa?

"I want our department to be the over-all champion so I'm looking forward that you'll slay the awards as you can see we are undefeatable".

"Pressure na naman sa BSBA". I heard Tristan said beside me.

"Laging champion ang department natin?".

"Yeah for 5 years already we always get the trophy naaawa na nga ako sa ibang department but there are really a lot of good players here".

Ahh..

"Anong sasalihan mo?".

"Basketball, member ako ng Yonhwa Royalties kasama sina Chase at Drake".

Parang gusto ko din sumali.

I love playing basketball.

"Sa tingin mo makukuha ako?". Hindi naman talaga ako mahilig sumali sa mga activities dati nga nong nag-aaral pa ako audience lang ako. Mailap nga ako sa mga tao di ba?

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon