🌻Chapter 14 With Him

2.5K 59 3
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakali paulit-ulit kasing nagrereplay ang sinabi ni Tristan sa'kin kagabi kulang din ako sa tulog dahil binabagabag ako ng mga sinabi niya.

"I'm scared..".

"Oo nga safe ka na.. But I'm pertaining to your feelings".

"Please..don't fall for him".

My goodnessy.. Ano ba ang ipinaparating niya sa'kin?? Mahina ako sa lahat ng bagay tapos mas pinalito pa ni Tristan haaay..

"Hoy bobo girl!! Hindi ka na naman nakikinig!!".

Gulat na napatingin ako sa mukha ni Einstein na hindi ko napansin na malapit pala sa'kin halos maduling na nga ako sa lapit ng mga mukha namin.

Masyadong occupied ang utak ko kaya kung saan-saan napunta ang isip ko. Gosh stay focus ka muna Sunny kung ayaw mong bumagsak kay Ms. Minerva!

"Hala, sorry".

Napailing ito at inilayo na ang mukha niya sa'kin.

"Wala ka sa sarili, mag-focus ka naman pwede ba? Malapit na ang exam, sa sitwasyon mo ay babagsak ka talaga sinasabi ko sayo". Napakamot pa ito sa ulo habang sinasabi yun.

Nandito pala kami sa bahay nila este sa palasyo nila! Hindi naman kasi nagmumukhang simpleng bahay mayaman eh! Nakakaloka!! Talagang napakayaman ng genius na 'to ngayon pa nag-sink in sa utak ko tss.

"Makinig ka na ok? Mamaya na yan kung ano man yang iniisip mo". Tumango lang ako at nakinig na sa kanya.

EINSTEIN POV

Mabuti naman at nakikinig na si Bobo girl habang nag-eexplain ako sa kanya kasi wala talaga siya sa hulog kanina parang tulala siya na ewan.

Around 10 am ay nag-break muna kami for snacks kasi sa tingin ko ay nagugutom na siya. Pinagdalhan naman kami ng katulong namin ng pagkain sa room ko.

At tama nga ang hula ko gutom na gutom ito at panay nguya ng muffin.

"Ang sarap ng muffins niyo grabe!".

"Lahat naman ata ng pagkain masarap sayo". Nakangising sagot ko.

Totoo! Bukod ata sa pang-iinis sa'kin ay paglamon lang ang alam ni bobo girl.

"Hindi ah.. I'm not a gluttony kaya".

"Sus sinungaling".

Sinamungatan ako nito.

"I'm telling the truth!! Ayan ka na naman! Iniinis mo na naman ako!!".

"Magkaaway nga kasi tayo, wag kang feeling!".

"Peste ka talaga!". Sabay lagok nito ng isang basong orange juice.

Pinipigilan ko lang matawa kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng humagalpak sa tawa dahil sa reaksyon niya, isa pang nadiskubre ko sa kanya ay ang sarap niyang asarin dahil madali lang itong napipikon.

"Funny!". Sarcastic na sabi nito at binato ako ng ballpen buti na lang at nakailag ako. Hindi talaga nag-iingat ang babaeng to wala pa naman yung takip eh kung nadiretso yun sa mata ko??

"Hoy!! Hindi yun nakakatuwa ah!!".

"Hindi ka rin nakakatuwa!! Halata naman sa mukha mo na nagpipigil ka lang ng tawa eh!!".

"Napaka-assuming mo talaga". Poker-face na tugon ko.

"Hindi ako mag-aassume kung hindi ka kaduda-duda no! Napaka-".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon