🌻Chapter 53 Crossover and Strikers

1.3K 36 1
                                    

Sunny Pov

Kasalukuyan na nasa ospital kami ni Glitter kaming dalawa ang naiwan dito dahil bumalik sila Adrian at Tristan sa Yonhwa para tapusin ang game.

"Masyadong madaya ang Neo na yun! Bwesit na lalakeng yun!!".

Napag-alaman namin na hindi simpleng sugat lang ang natamo ni Einstein bukod pa dito ay ang dami niyang hiwa sa binti na kung titingnan mo ay parang bakas ng blade o kung anong matutulis na bagay.

Posible ngang may dayang nangyari kanina.

"Sino ba kasi yung Neo?". Hindi ko napigilan pa ang sarili na magtanong kay Glitter kung ganito kalala ang nagyari kay Einstein ibig sabihin lang don parang may galit si Neo sa kanya.

"Mortal na kaaway ni Einstein... Noon pa man ay kaaway na nila sina Neo".

"Sila??".

"Ang whole basketball team ng Queens ay kaaway ng mga Royalties. Simula pa noon ay kompetensya na sila sa school...dating taga-Yonhwa ang mga yun pero nong 3rd year highschool ay nagsi-alisan sila at lumipat ng Queens University. Ganon din ang nangyari kina Chase at Drake..na-kick out sila ng Yonhwa sa nangyaring gulo nila kay Neo at Christian".

Kakaapak ko lang ng Yonhwa ng taon na yun at naalala ko ang mga nangyari nong highschool kami.

"Remember nong masunog ang literature building ng Yonhwa?".

Tumango ako. Naalala ko pa ang araw na yun na tarantang nagsilabasan kami ng classroom dahil sa narinig na fire alarm.

"They cause the fire in the literature building at muntik ng ikinamatay yun ng isang professor akala nila Neo sina Drake ang nasa loob nong building kaya gumanti sila".

Sina Drake at Chase lang talaga ang pamilyar sakin never ko pang nakita si Neo nong highschool ako.

"Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit humantong sa ganon ang ganti nila kina Drake... Sobrang nagalit si Einstein sa nangyari so they avenge again nang malaman na muntikan ng malagay sa panganib ang buhay ng mga kaibigan niya".

"A-anong ginawa ni Einstein?".

"Muntikan din siyang makapatay".

Silence.

Hindi ako makapaniwala sa narinig.

Muntikan nang makapatay si Einstein? Bakit?

"Gantihan ang nangyari sa kanila hanggang isang araw ay nadukot nila Neo ang babaeng mahal ni Einstein".

"Glitter...".

"Parehong mahal ni Einstein at Neo ang babaeng yun. Ayaw matanggap ni Neo na si Einstein ang pinili ng babae... at ayun nga muntik ng makapatay si Einstein sa galit nang pagtangkain pa itong i-rape ni Neo".

Glitter's revealing something na minsan ay hindi niya nagawang isabi sa iba kahit ako na bestfriend niya.

"Sunny... Minsan mo ng naitanong kung anong grupo ang pinag-uusapan namin noon bago ka pa nagka-amnesia".

Bakit sinasabi ni Glitter sakin 'to?

"Sasabihin ko na sayo ngayon...dahil sa tingin ko ay karapatan mo ng malaman".

"Glitter...".

"Crossover pinapangunahan ni Einstein kasama sina Tristan, Drake, at Chase".

Crossover?

"At Strikers na pinapangunahan ni Neo kasama sina Christian, Wayne, at Zac".

Ms. Sunny meets Mr. Einstein [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon