CHAPTER 1

9.5K 187 56
                                    


CHAPTER 1

LUCKY'S POV

Nine months ago...

"You're such a disgrace in this institution!"namumulang duro ng principal sa harap ko. "What would other parents possibly think on our respected school? That we're educating..." hindi niya na halos matapos ang gusto niyang sabihin dahil sa kinikimkim na galit.

"Sir, I will take full responsibility of what happened.." lakas loob na sagot ko. "but i need your consideration to--"

"Of course you will!" putol niya habang nagsasalita ako. Napapikit ako sa sobrang pagpipigil. "But you know my answer is still NO with regards to your request." Mariing sagot niya. "I want your parents or guardian to be here on Monday, this conversation is over. You can leave now and go back to your class." Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya bago tinanggal ang suot nitong salamin at inilapag sa ibabaw ng mesa.

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi na rin ako naghabol. Barado na ng mga tutule ang parehong tenga niya para pakinggan pa ang mga rason ko. Laglag ang balikat na lumabas ako ng principal's office.

Ngayon ang kaya ko na lang gawin ay ang ngumanga at tanggapin ang magiging kapalaran ko.


Present...

Wala sa sariling bumaba ako ng jeep. Sumabay ako sa mga taong abalang tumatawid, may nakangiti, nakasimangot, may tumatawa habang may kausap sa cellphone, may rumarampa na parang nasa runway.

Ako? Yung itsura ko siguro ngayon yung parang nakaapak ng tae na may halong bubog.

Matamlay akong huminto ng makitang naka "GREEN" or "GO" pa yung signal ng traffic lights. Pakiramdam ko ang bagal bagal takbo ng oras sa mga sandaling ito. Habang nag aantay tinatanaw ko ang malaking gate ng bagong school na papasukan ko.

Sigh.

Mabigat ang mga paang tumawid ako sa pedestrian crossing ng muling magpalit ng signal ang traffic light.

'Mag uumpisa na naman ang panibagong nightmare ko..'

Nagulantang ako sa lakas ng magkakasunod na busina ng kotse na biglang huminto sa harap ko. Wala sa sarili lumingon ako sa paligid, nasa gitna na pala ako ng pedestrian crossing sa tapat mismo ng school na papasukan ko.

"Hey, ASSHOLE! Bobo ka ba?" Sigaw ng lalaking panot na nakasilip sa bintana ng segunda mano niyang kotse. "Kung magpapakamatay ka doon ka sa Edsa! Huwag kang mandamay ng ibang tao!"

Tulala lang akong pinapanuod ang pagkinang ng noo niya.

"ANO SUMAGOT KA!" sigaw niya at tinapik ang bubong ng kotse niya.

'Dumagdag pa ang isang to, kapag ganitong lutang at wala ako sa sarili sing bilis ng plantsa uminit ang ulo ko.'

"Kung bobo po ako ser, kayo na po ang matalino! Naka red light pa po yung traffic lights oh." senyas ko sa taas. "At nasa tamang tawiran po ako." Turo ko sa sign ng pedestrian crossing. "Malaki din po yung sign na "No Blowing of horns, Classes on going." Turo ko din sa sign board sa dulo ng kalsada. "Kung nagmamadali ho kayo Jet Plain po dapat ang sinakyan niyo. Dun sa himpapawid kahit magpaharurot kayo banggain niyo pa si San Pedro walang hong kaso." ginaganahang litanya ko sa harap ng kotse niya.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon