CHAPTER 1
YNNAH’s POV
*ALARM CLOCK RINGS*
“Ynnah, anak. Gising na!”
Iniunat ko muna ang aking mga braso bago bumangon sa aking kama. Humikab at pagkatapos ay kinusot-kusot ang aking mga mata.
“Gising na ba ang prinsesa?”
“Opo, inay!” sagot mula sa aking kwarto.
Tumayo ako at humarap sa aking kwarto. Itinali ang aking buhok at tuluyan nang lumabas upang magtungo sa kusina.
“Good morning, Nay!” bati ko sa aking nanay Merla nang maabutan ko siyang nag-aayos ng mga ititinda ko mamaya at ginawaran siya ng isang napakatamis na halik sa pisngi.
“Mag-almusal ka na,” sabi sa akin ni inay.
Matapos ang almusal, naligo na ko at nagbihis para sa aking misyon ngayon araw.
Ako nga pala si Fernandina Catacutan. But you can call me, Ynnah for short at para sa mas maganda. Ewan ko ba dito kay inay Merla at bakit sa dami-dami ng pwedeng ipangalan sakin eh Fernandina pa. 16 years old pa lang ako. Kami na lang ni inay ang magkasama sa buhay. Si itay raw kasi ay matagal nang hindi nagpapakita sa amin at malamang ay patay na raw yun sabi ni inay. Hinahanapan ko naman ng picture pero sabi ni inay, nasunog daw dati ang bahay namin kaya walang nasalba kahit isang litrato namin. Wala nga akong picture nung baby pa ko eh.
“Nay, alis na po ako!” paalam ko kay inay.
“O sige, anak. Mag-ingat ka!” bilin pa ni inay. “Umuwi ka agad bago magtanghali ah?”
“Opo, Nay! Bye, Nay! Love you po!”
Ang totoo niyan, isa akong prinsesa. Prinsesa ng puto’t kutsinta! Ako kasi ang nag-iisa at pinakamagandang nagtitinda ng puto’t kutsinta at kahit na anong kakanin pa dito sa aming bayan. At ang aking korona? Ano pa edi ang bilao na naglalaman ng mga paninda kong puto’t kutsinta.
“Bili na po kayo! Puto’t kutsinta! Pampaganda ng umaga!” sabi kong ganyan habang isinasayaw ang bilao at muling ibabalik mula sa pagkakapatong sa aking ulo.
“Oh, ate! Bili ka na! Masarap ‘to!” alok sa babaeng nakasalubong ko sa daan.
“Anim na puto nga,” sabi ni ate.
“Gawin mo nang pito, Ate,” sabi kong ganyan. “Para rhyme sa puto.”
“O sige na nga,” nakangiting pagpayag nito.
Pagdaan ko sa tindahan ni Aling Puring, nag-iinuman na naman sina Kuya Badong. Ang aga ha!
“Magandang-maganda pa ko sa umaga!” sigaw kong ganyan.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...