CHAPTER 24
ARGEL’s POV
Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi. Pinahaharurot ang aking sports car. Ewan ko ba. Naiinis kasi ako. Naiinis kasi ako sa nakita ko kanina.
FLASHBACK
Nasa room pa ko kanina nang maisipan ko nang umalis para umuwi.
“Guys, I gotta go,” paalam ko sa dalawa—Gohan at Ecko.
“Okay, bro. Ingat,” sabi sa akin ng dalawa.
Kinuha ko na ang backpack ko at naglakad palabas ng room. Paglabas ko, napasilip ako sa ibaba ng building. Nasa second floor kasi ang room namin. Nakita ko si Ynnah na naglalakad paalis.
“Ynnah!”
Napatingin ako sa tumawag sa kanya. Nakita ko si Kiros na tumatakbo palapit.
“K-Kiros?” sabi ni Ynnah habang inaaninag ito.
Nang makalapit na ito ay nag-usap na silang dalawa. Hindi ko marinig mula dito sa itaas ang pinag-uusapan nila pero mukhang maganda dahil nakangiti sila sa isa’t isa. Tapos, nagsimula na silang maglakad. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa nang biglang natigilan si Ynnah sa paglalakad dahil sa sinabi ni Kiros.
“What are you looking over there?” boses ni Alexa. Napansin niya yata ang tinitingnan ko sa baba. Naramdaman ko pang umakbay ito sa akin at tiningnan din niya ang tinitingnan ko.
“Nothing,” sagot ko at umalis na. Iniwan ko siyang tinitingnan ang ex niya at ang babaeng kinaiinisan niya.
Bumaba na ko ng hagdan at dumeretso muna sa boy’s comfort room. Habang naglalakad, napansin ko pa sila Ynnah at Kiros na nag-uusap sa daan. Hindi ko alam pero gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako at pilit na pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
“Okey, ganito na lang. Isipin mo na lang na treat ko ‘to sa’yo bilang new boy friend mo,” sabi ni Kiros.
Ayos din ‘tong lalaking ‘to ah? Teka, sila na ni Ynnah?
“B-boyfriend?” tanong ni Ynnah.
Oh, bakit siya nagtaka?
“Oo, boy friend. Bilang bago mong lalaking kaibigan,” sagot ni Kiros. “Bakit, hindi ba ko mukhang lalaki sa’yo?”
Ah, yun naman pala. Bigla akong nakaramdam ng relief.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...