CHAPTER 22
YNNAH’s POV
“Hoy, Mint!” tawag pansin ko kay Mint. “Uy!”
Napaharap naman siya sa akin, “Ha? Ah… ah… k-kamusta ka na friend?”
“Okey na naman ako,” sagot ko. “Ikaw ang kamusta na?”
“Bakit?” taka niyang tanong.
“Eh para kang na-istroke d’yan eh,” sagot ko.
“Ang hot niya talaga,” sambit ni Mint habang nakatingin pa rin sa nilabasan na pintuan ni Mr. Killer Smile.
“Huy!” tawag pansin ko ulit sa kanya.
“Ay, sorry,” sabi niya sa akin nang makuha ko na ang atensyon niya.
“Bakit kilala mo ba ‘yun?” taka kong tanong.
“Friend, siya si Kiros!” pagsiwalat sa akin ng katotohanan ni Mint na ikinalaki ng mga mata ko.
Bigla ko namang naalala ‘yung mga kinuwento nila sa akin tungkol sa lalaking iyon.
“Y-yung Brazilian-Japanese with a Filipino blood guy?!” tanong ko habang nakatulala.
“Siya nga, friend! Siya nga!” sagot ni Mint.
“Ang hottest soccer player in this university?!”
“Siya nga, friend! Siya nga!”
“Ang may nakamamatay na abs?!”
“Siya nga, friend! Siya nga!”
“Ang nagtataglay ng cutest smile on earth?!”
“Siya nga, friend! Siya nga!”
Bigla naman akong napatingin kay Mint at nagtanong, “Paulit-ulit lang, friend?”
“Eh siya talaga eh! Alangan namang sabihin kong—ikaw nga friend, ikaw nga!” sagot nito sa akin. Pinilosopo pa talaga ako ng Koreanang ito.
Anyway, siya pala siya! Ano raw? Ang ibig kong sabihin eh, ‘yung Kiros na kinukwento nila sa akin ni Harvey dati ay ‘yung Kiros na nakabungguan ko! Aaaayyy! Kinikilig naman ako ng buong husay!
*****
“Huy, friend! Bakit ka tulala d’yan?”
Nagtatakang tanong sa akin ni Mint nang maabutan niya kong nakaupo sa labas ng girl’s shower room. Katatapos lang kasi niyang maligo at magpalit ng damit samantalang ako, hinihintay lang siya dito. Tapos na kasi ang PE subject namin.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...