Chapter 6: Epic Fail First Day

5.2K 93 2
                                    

CHAPTER 6

 

YNNAH’s POV

 

Pagpasok ko sa loob ng classroom, biglang natigilan ang lahat. Yung iba ang seryoso ng tingin lalo na nung isang babaeng nakaupo sa unahan. Parang pamilyar nga ang mukha nung babaeng iyon eh.

Inilibot ko naman ang mga mata ko pero wala akong nakitang professor. Hala, nasaan na yun?

“H-hi,” bati ko sa isang short hair na babaeng nakaupo din sa unahan malapit sa pintuan. “M-may prof na ba tayo?”

Tiningnan lang niya ko sabay mataray na sumagot, “What do you think?”

Owkey! Medyo creepy siya. Ayoko na siyang tanungin. Ayoko na ring magtanong kahit kanino. Obvious naman kasing walang professor eh. Pero nasaan na yun? Baka nag-CR lang. O baka naman wala pa.

Iginala ko na lang ang paningin para makahanap ng upuan. Nakakita naman ako ng dalawang bakante. Yung isang arm chair nakahanay sa last row at yung isa naman nakahanay sa second to the last row. Saan ako uupo dun?

Tiningnan ko yung nakahanay sa second to the last row na arm chair. Pag dun ako umupo, makakatabi ko yung mukhang Koreano na babae sa kaliwa ko at yung isang bading na maputi sa kanan ko. Kaso mukha silang matataray. Baka ayaw nilang makatabi ako. Dun naman sa arm chair na nakahanay sa last row, parehong lalaki sa kaliwa’t kanan ang makakatabi ko. Pero okay lang, pogi naman sila.

Kaya I decided na dun na lang ako uupo sa arm chair na nasa last row. Dere-deretso na lang akong dumaan at nag-excuse sa mga nadadaanan kong nakaupo. Nagkunwaring hindi ko alintana na sa akin sila nakatingin lahat. Yung iba, nagbubulungan pa.

Pagdating ko sa upuang nasa last row, agad naman akong umupo. Nakita ko naman ang pagkagulat ng dalawang lalaking nasa magkabila ko. Pansin ko din ang pagkagulat ng iba ko pang mga bagong kaklase sa pag-upo ko dun. Bakit kaya?

Maya-maya pa, biglang may pumasok na lalaki na ikinagulat ko.

“Bakit nandito ang impaktong ‘yan?” tanong ko sa aking isipan. “Don’t tell me… dito din ang classroom niya? Oh my!”

 

Dahil sa ayokong mapansin niya ko at baka pahiyain ako sa buong klase, nagkunwari akong natutulog habang tinatakpan ang aking mukha ng panyo ng El Shaddai. Shocks! Para akong pinagpapawisan ng malagkit sa nerbyos!

“Ooops! Someone’s gonna die today.”

Narinig ko pang sambit nung isang lalaki. Hindi ko alam kung sino dahil tinatakpan ko nga ng panyo ng El Shaddai ang mukha ko.

Ilang minuto ko ring tinatakpan ang mukha ko ng panyo nang maisip ko na baka nakaupo na yun at hindi na ako napansin. O di kaya naman nagkamali siya ng pinasukang room. O diba? Think positive, Ynnah!

Unti-unti kong inalis ang takip na panyo ng mukha ko hanggang sa nakasilip na ang kaliwang mata ko. Laking gulat ko naman nang makitang nakatayo sa harap ko ang impakto este ang lalaking ito.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon