CHAPTER 4
YNNAH’s POV
“Nakaka-badtrip talaga nung lalaking yun! Akala mo kung sino! Kapag nakita ko ulit yun, makakatikim talaga sa’kin yun!” sa isip-isip ko habang naglalakad pauwi ng bahay.
Grabe naman kasi sa kayabangan yung lalaking yun. Akalain mo ba naman, ultimo pagsasabi lang ng isang simpleng “sorry” hindi niya magawa. Sabagay, it takes a lot of humility to say and mean that word. Oha! English yun!
Malapit na ko sa aming bahay dala-dala ang bilao ko at ang dalawang libo na binigay nung impakto kanina. Actually, hindi niya talaga binigay kindly, binigay niya thru pagtapon sa akin ng dalawang libong ito.
Nang nasa tapat na ko ng aming bahay, natigilan ako sa paglalakad. Ano nga palang sasabihin ko kay inay tungkol dito sa perang ito. Sobra-sobra pa kasi ang perang ito sa talagang benta ng puto ko kanina. At isa pa, hindi ko pwedeng sabihin na kamuntikan na kong mabangga kanina at natapon lahat ng paninda ko. For sure, magagalit yun at baka tuluyan na kong hindi makapagtinda ng puto. Mawawala na sa’kin ang titulong puto princess. No way! Hindi din naman ako pwedeng magsinungaling.
“Sorry po,” mahina kong sambit habang nakatingin sa itaas. “Ngayon lang po. Promise hindi ko na po uulitin at promise mag-iingat na po talaga ako.”
Huminga ako ng malalim saka pumasok sa loob.
“Inay! Nandito na po ang inyong ubod sa gandang anak!” sigaw kong ganyan na talaga namang umalingawngaw sa buong kaharian este buong kabahayan. Feeling princess ‘teh?
Bigla namang lumabas si inay mula sa aming kwarto nang nakangiti.
“Ang saya niyo, Nay ah?” pansin ko.
“Syempre naman. Nandito na ang ubod sa gandang anak ko eh,” nakangiti niyang sagot sabay yakap sakin.
Pagkalas namin sa yakapan, nag-intrega na ko sa kanya. This is it!
“Nay, ito nga po pala ang napagbentahan ko,” sabi ko habang inaabot ang pera. Dalawang libong piso.
Nagulat si inay saka nagtanong, “Oh, bakit ang laki naman nito? Eh wala pa sa isang libo yung paninda mo ah?”
“Ah… eh…” pag-iisip kong ganyan.
“Fernandina!” bigla nitong sabi. “Umamin ka!”
“Nay naman! Kaylangan talaga buong pangalan?! Hindi mo pa sinama yung apelyido ko!” pagbibiro kong ganyan pero between those jokes ay nag-iisip ako ng alibi.
Nakatingin lang siya sakin.
“Ganito kasi yun, inay,” pagsisimula ko. “Nabunggo kasi ako!”
“Nabunggo ka!” bulalas nito.
“Ay hindi! Hindi! Hindi ganun ang ibig kong sabihin,” pagtatama ko. “What I mean… oh English yun inay ha?! Habang nagtitinda ako… biglang nabunggo ako… ng isang mayaman na mayabang! Ganern!”
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...