Chapter 8: So Fake

4.9K 95 1
                                    

CHAPTER 8

 

YNNAH’s POV

 

Marami pa sila Mint at Harvey na naikuwento sa akin habang nagla-lunch kami. Nalaman ko rin ang mga basic information tungkol sa kanila. Nalaman kong pareho din pala silang galing sa mayamang pamilya. Si Mint ay half-Korean half-restaurant este half-Filipino. Mommy niya ang Korean at daddy niya ang Filipino. Their family own a group of companies here and in Korea. Nagmamay-ari sila ng maraming restaurants, hotels and resorts. Si Harvey naman ay may Japanese origin. Kumbaga mga nasa 1/8 lang ang dugo niyang Hapon kung gagamit ka ng measuring tools. Their family also owns a group of companies here and in Japan. Kaya niya pala alam ang business nila Kiros sa Japan ay dahil narin sa may isang business doon na magkasosyo ang family nila pareho. Nagmamay-ari naman sila ilang subdivisions and condominiums.

“Grabe pala itong kinaibigan ko,” sa isip-isip ko. “Mga bigatin din!”

Tulad nila Argel at Alexa, laking Eastfield din sila though si Mint ay nag-transfer dito nung second year high school na. Katulad ng marami, hindi rin daw sila nakaligtas sa mapang-aping si Alexa. Wala daw pala itong pinipili. Akala ko mahirap lang ang kaya niyang awayin, yun pala kahit sino wala itong sinasanto. Kaligayahan na daw nito ang may maasar bawat araw. At syempre, hindi kumpleto ang araw nito kung walang ipapahiya. Sanayan nga lang daw yan ika nilang dalawa. Fortunately, hindi pa naman daw sila napapahiya nito ng todo dahil sila na rin daw ang naiwas.

“Teka, may tanong ako,” may naalala ako. “Dun ba sa inuupuan ko ngayon, wala ba talagang nakaupo dun?”

“May nakaupo dun,” sagot ni Mint. “Pero nag-drop na daw. Ipahiya ba naman siya ni Alexa during flag ceremony eh. Ewan ko lang kung may iharap pang mukha yun.”

“Kelan pa?” tanong ko.

“Last week lang,” sagot naman ni Harvey.

Is it ironic? Ngayon mukha ako naman ang papalit dun sa kaklase nilang nag-drop.

Pagbalik naming tatlo sa classroom, naabutan naming nagkakagulo at nagtatawanan ang mga kaklase namin sa labas. Nagkukumpulan sila kaya hindi ko makita kung anong pinagkakaguluhan nila.

“What did I tell you, girl?” pagpapaalala sa akin ni Harvey.

Be numb enough nga pala. Kaya imbis na makiusyoso rin ako sa kanila, pumasok na lang kami sa loob ng aming classroom kaso…

“Nasan ang bag ko?” taka kong tanong nang mapansing wala sa upuan ko ang bag ko.

Inilibot ko sa buong paligid ng classroom ang paningin ko ngunit hindi ko makita kung nasaan ang bag ko.

“The pink one, right?” tanong ni Harvey. Naghahanap din sila.

“Oo,” sagot ko.

“Hey, puto girl!”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon