Chapter 11: Upcoming Events

5K 97 3
                                    

CHAPTER 11

 

YNNAH’s POV

 

Pagdating ng Huwebes, syempre back to pagiging prinsesa ng mga puto ang ganda ko. Tinda dito, tinda d’yan. Ganyan! Pagdating naman ng Biyernes, may pasok na naman ako sa Eastfield. Wooh! Last school day for this week. Atleast world record din yung pagkakaroon ko ng one week sa Eastfield nang hindi pa namamatay. Namamatay dahil sa mga kaklase kong kriminal ang tingin sa mga mahihirap.

Ngayong Biyernes ang PE at NSTP namin. Dahil wala pa kong PE uniform, suot ko muna pansamantala ang aking high school PE jogging pants. Kulay green ito na may lining ng white at nakasulat ang MNHS which stands for Masukal National High School!

“Go! Masukal! Go, go! Masukal! Go!” pagchi-cheer kong ganyan. Sorry na-carried away lang.

 

So heto na nga, pagdating ko sa tapat ng pintuan ng classroom…

“Oh my gosh! Look who’s here!” pag-agaw ni Alexa ng atensyon ng lahat.

Nakatingin na naman sila sa aking lahat. Kasi naman ako lang ang naiiba. Lahat sila suot ang PE uniform ng Eastfield samantalang ako ganito.

“You look like one of the janitors here!” natatawang sabi pa ni Alexa. “Ganyan yung uniform nila. Hindi ka ba nainform? Sabagay, hindi ka naman sa kanila naiiba.”

At sabay-sabay na nagtawanan ang lahat.

Bigla namang may kumulbit sa likuran ko. Paglingon ko, isang janitress. Inaabot ang isang floor mop sa akin. Hala!

“A-ate, hindi po ako janitress dito tulad niyo,” magalang kong sabi sa kanya.

“Ay ne, wag kang ganyan. Wag mong takasan ang trabaho. Pare-pareho tayong pinasusuweldo dito,” sabing ganyang ni ateng janitress. Hala!

“Hindi nga po ako janitress,” sabi ko sabay pasok sa loob ng classroom.

Nagtatawanan naman ang mga kaklase ko dahil sa nangyari. Pagtingin ko kay Argel, halatang pinipigil nito ang pagtawa. Inirapan ko naman siya bago ako tuluyang umupo. Haaay buhay!

“Bakit ka ba kasi nakaganyan, girl?” tanong ni Harvey.

“Eh wala pa kasi akong PE uniform,” sagot ko. “Ang mahal eh.”

“O sige, ibibigay ko sa’yo next time yung luma kong PE uniform,” saad ni Mint sa kaliwa ko.

“Naku, wag na—”

“I won’t accept no for an answer,” pigil ni Mint. “I’ll give it to you next time. Besides, wala na namang gagamit nun. Sayang lang din yun kaya ibibigay ko nalang sayo. Okay?”

Nahihiya man, tumango na lang ako. Atleast, may PE uniform na ko. Hindi ko na kailangan pang bumili.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon