Chapter 10: Not-So-Fun Wednesday

4.9K 90 1
                                    

CHAPTER 10

 

YNNAH’s POV

 

“Puto! Kutsinta! Puto kayo d’yan!”

Sigaw ko habang nagtu-tsunami walk sa kalsada. Wala kasi akong pasok ngayong Martes. M-W-F lang kasi ang pasok ko sa Eastfield. Ganito pala ang college, walang pasok sa araw-araw. Atleast, nakakatulong pa rin ako kay inay sa pagbebenta.

“Good morning!” bati ko pagdaan ko sa tindahan nila Aling Puring. As usual, nag-iinuman na naman sila Kuya Badong sa tapat nito.

“Oh, Ynnah!” pansin sa akin ni Kuya Badong. “Bakit hindi kita nakita kahapon?”

“Pumasok po kasi ako sa school, Kuya Badong,” sagot ko.

“Talaga, Ynnah?” si Aling Puring. “Napasok ka na?”

“Opo, Aling Puring,” nakangiti kong sagot.

“Saan naman?” tanong pa ni Kuya Badong habang nalaklak ng alak.

“Sa Eastfield University!” proud kong sagot.

Napabulwak naman ng iniinom na alak si Kuya Badong. Sakto naman sa mukha ni Kuya Paeng na kainuman nila.

“Sa Eastfield?!” sabay-sabay nilang tanong pati si Aling Puring nakisabay.

Gulat naman ako. Eh ano naman kung dun ako nag-aaral? Itong mga ‘to.

“Opo,” may pagtataka kong sagot.

“Shino ba lashing sha atin?” sabi pa ng sunog-bagang si Kuya Elmer. “Kami o ikaw?”

Bakit ayaw maniwala ng mga ‘to?

“Oo nga po,” pagkukumbinsi ko pa. “Dun ako nag-aaral. Ipinasok po kasi ako ni inay ng scholarship dun.”

“Kaya naman pala,” sabi nila Kuya Badong with matching tanguan pa.

“Bilib din naman ako d’yan kay Merla at naipasok ka niya sa eskwelahang iyon. Ang mahal kaya dun,” sabi pa ni Aling Puring. “Aba’y kahit magtinda ako hanggang sa susunod na buhay ko hindi ko maipapasok dun ang apo ko eh.”

“Sobra naman kayo, Aling Puring,” sabi ko. Naloka ako sa after-life niya.

“Na-miss tuloy namin ang puto mo kahapon,” si Kuya Badong. “Bigyan mo ko’ng walong piraso.”

“Naku, Kuya Badong. Lunes, Miyerkules at Biyernes ang pasok ko sa Eastfield kaya mamimiss mo talaga ang puto ko sa mga ganung araw,” sabi ko.

“Impernes, Ynnah. Masharap yang puto na pulutan sha inuman ha? Ang shurap!” sabi pa ni Kuya Badong. Nag-apiran pa ang mga ito.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon