CHAPTER 9
YNNAH’s POV
Nang matapos ang huling klase, kanya-kanyang uwian na ang lahat. Ako naman, heto tulala sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw na ‘to. Buti na lang at natapos din ang araw na ‘to. Akala ko wala nang katapusan eh.
“Ynnah, gusto mo sumabay sa’kin pauwi?” alok ni Mint.
Napailing na lang ako sabay ngiti.
“Eh sa akin?” alok naman ni Harvey.
Napailing din ako at nginitian siya.
“Salamat na lang guys,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Bye! Ingat kayo.”
“Bye! See you this Wednesday! Take care!” sabi naman nilang dalawa saka tuluyan nang umalis.
Paglabas ko sa Eastfield, imbis na sumakay ako ng jeep pauwi ay mas minabuti ko na lamang maglakad. Gusto ko rin kasing makapag-isip-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Tungkol sa kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Eastfield.
Habang naglalakad, maraming bagay ang tumakbo sa isipan ko. Ano kaya kung lumipat na lang ako ng section? Paano nga pala ako lilipat eh iisa lang ang section namin sa Eastfield. Eh kung lumipat na lang ako ng course? Kaso dito na sa course na ito nakapaloob ang scholarship ko. Baka may kung anu-anong proseso pa ang daanan bago ko pa mapalitan ang course ko. Hassle pa yun.
“Haaay! Ano bang dapat kong gawin?” sa isip-isip ko. “Eh kung tumigil na lang ako?”
Mag-aalas sais na rin ako nakarating sa bahay. Papasok pa lang ako sa bahay nang makita ko si inay na naglalaba. Ang dami niyang nilalabhan. Nakita ko kung gaano siya kapagod na pagod. Nakaramdam naman agad ako ng awa kay inay. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa gusto kong eskwelahan. Alam kong ginawa niya lahat ng makakaya niya maipasok lang niya ko sa Eastfield. Kahit hindi ko hiniling, alam niya na gusto ko dun kasi nga nanay ko siya. Naiiyak tuloy ako.
“Oh, anak,” pansin sa akin ni inay habang naglalaba. “Nand’yan ka na pala? Bakit ngayon ka lang? Maggagabi na oh.”
Nakita ko ang saya ni inay nang makita ako. Agad siyang tumayo at nilapitan ako.
“Nay, bakit ang dami niyo pong nilalabhan?” taka kong tanong.
“Kumuha ako ng labada,” nakangiting sagot ni inay. “Alam mo naman, kaylangan ko nang kumita ng mas malaki ngayon. Para naman kahit papano hindi ka mahirapan sa gastusin para d’yan sa pag-aaral mo. At saka, ekstrang kita na rin.”
Naawa naman ako kay inay. Todo kayod siya dito tapos ako gusto ko nang umayaw sa pag-aaral ko.
“Nay, hindi niyo naman po kaylangang gawin yan,” sagot ko. “Ako na pong bahalang gumawa ng paraan para dun.”
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...