Chapter 12: Why So Mean?

4.8K 80 1
                                    

CHAPTER 12

 

ALEXA’s POV

 

“How do I look?”

“You look gorgeous in that dress.”

“I know.”

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko, sinusukat ang mga bagong damit na pinamili ko para sa nalalapit na Acquaintance party ng Eastfield. I want to look good. No, not only good. I want to look best.

“You know what girls, I’m thinking na magpagawa na lang ako ng dress to one of our fashion designer friends. What do you think?” tanong ko sa dalawa kong alipin. I mean friends—Rox and Denise. We are talking thru Skype.

“That’s a good idea,” sagot ni Rox. Ang lapad tignan ng mukha niya sa monitor ng laptop ko. So ugly.

“But I think the dress you fitted a while ago looks great on you,” sagot naman ni Denise. If I know, mukhang naiinggit na naman siya sa mga damit ko.

Tumayo ako at kinuha ang isang dress na tinutukoy ni Denise. Humarap ako sa salamin habang tinitingnan kung talagang bagay nga talaga sa’kin ang dress. Hmmm… bagay nga.

“Mam Alexa, nand’yan na po ang mommy niyo!” sigaw ng maid namin mula sa labas ng kwarto ko.

Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa narinig. My mom needs to see this!

Masaya akong lumingon sa laptop ko at kinausap ang dalawa, “My mom is here. I’ll ask her opinion on what dress I’ll be wearing for the party. Talk to you later, girls!”

Nang maisara ko na ang laptop ko ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto para salubungin si Mom.

“Mom!” nakangiti kong bati.

Ngunit parang hindi niya ko napansin. Dere-deretso lang itong umakyat sa hagdanan. Dere-deretso lang itong tinungo ang kanyang kwarto.

Umakyat ako sa aking kwarto, kinuha ang dress na balak kong suotin sa nalalapit na Acquaintance party at pumunta sa kwarto nila mommy. I want her to see my dress.

“Mom?” sabi ko pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto niya. She’s talking to someone over her phone.

“Mom,” tawag ko ulit.

Nilingon niya ko sabay sabing, “Alexa, can’t you see?! I’m working! For god’s sake!”

Nagulat ako nang sigawan niya ko. Hanggang dito pa rin ba sa bahay, trabaho pa rin ang aatupagin niya?

Napatungo na lang ako at malungkot na nagpaliwanag, “I… I’m sorry… I’m just wondering—”

“What do you need, Alexa?” biglang sabi ni Mom nang matapos makipag-usap sa phone. “What is so important?”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon