CHAPTER 25
YNNAH’s POV
Pagpasok ko sa loob ng computer shop ni Kuya Benneth, naabutan ko ang mga naghihiyawan at nagmumurahang mga lalaking estudyante na naglalaro yata ng DotA. Sinasaway naman sila ni Kuya Benneth. Nakakainis kaya ang ingay nila sa ibang mga gumagamit ng computer. Naglalaban na nga sa laro, naglalaban pa mga bunganga! Kaloka!
“Kuya Benneth, may bakante pa ba?” tanong ko kay Kuya Benneth sa counter.
“Oh, Ynnah. Ngayon na lang ulit kita nakita ah?” tanong sa akin ni Kuya Benneth. Close kasi kami nito. Actually, lahat yata ng tao dito sa barangay namin, kilala ako. Hehe!
“Naging busy lang sa pag-aaral,” sagot ko.
“Saan ka na nag-aaral?” tanong pa ni kuya.
“Sa Eastfield,” nakangiti kong sagot.
“Weh? Di nga? Mamatay?” di makapaniwalang tanong ni kuya.
Lagi sila ganyan kapag nalalaman nilang sa Eastfield ako nag-aaral. Hindi ba pwedeng mag-aral sa pangmayamang eskwelahan ang taong ganda lang ang puhunan? Ang kapal ko eh no?! Haha!
“Ay naku, Kuya. Bahala ka kung ayaw mong maniwala,” sabi ko na lang. “Ano, Kuya, may bakante ba?”
“Oo, dun sa number 9,” sagot ni Kuya Benneth habang tinuturo ng mata ang pwesto.
Pagtingin ko dun sa pwesto, nakita ko ang mga batang di pa yata naliligo na nagkukumpulan sa tabi ng PC #9. Naglakad naman ako papunta dun.
“Oy, wag kayong magkumpulan d’yan! May gagamit! Paupuin niyo ang prinsesa!” utos ni Kuya Benneth sa mga nagkukumpulang mga bata. Taray ni Kuya Benneth ah? Treating me like a princess!
Pag-upo ko, sinimulan ko nang maghulog ng pitong piso. Actually, pamasahe ko talaga ‘yan. Eh dahil hinatid ako ni Kiros kaya nakalibre ako. Hihi!
Binuksan ko ang Chrome. Home page agad ang Facebook. Nag-log in ako.
E-mail address: pretty_ynnah214@yehey.com
Password: **********
Nakita niyo ba password ko? Naku ha!
Habang naglo-load, nagbukas ulit ako ng isa pang tab at dinala ko sa Wattpad. Nag-log din ako.
Binuksan ko ang tab sa Facebook. Ang tagal naman mag-loading. Balik Wattpad muna ako. Nagbabasa talaga ako ng stories sa Wattpad lalo na tuwing nasa library ako ng Eastfield. May mga books at computers kasi ang library dun.
Oh my gee! May update na ulit si Mr. Author ng story na binabasa ko! Ang “The Princess and the Puto”. Ganda talaga nito! Nakaka-relate ako! Nakakatuwa talaga author nito na si Renz Esguerra, ang pogi pa! Sana ligawan ako ni author! Anyway, mamaya ko na babasahin ang story niya at baka mapasarap na naman ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...