CHAPTER 3
ARGEL’s POV
“Argel, wake up na! Aren’t you having your classes today?”
“Yes, tito!” sigaw ko sabay bangon.
Nilibot ko ang tingin sa aking kwarto. Mga nakakalat na mga men’s magazine, isang kahon ng pizza, mga naubos na potato chips, at ang flat screen tv na buong magdamag na bukas. Napansin ko pa ang nakabukas kong laptop na nasa website ng isang pornsite, ang tablet kong lowbat at ang smart phone kong naka-charge.
Inaantok pa rin ako pero dahil may pasok ako, walang gana akong pumasok sa banyo at naligo. Paglabas ko ng banyo, nagsimula na akong mag-ayos ng sarili. Nang matapos ay humarap ako sa salamin.
“Ang pogi ko talaga!” sambit ko sa aking sarili habang nakangiti sa harap nito.
Ako si Argel de Vera. Gwapo, gwapo at gwapo. Sorry, yan lang ang alam ko sa sarili ko. Anyway, so much for being humble, 16 years old na ko. May maginhawang pamumuhay dahil lahat ng gusto ko ay nabibili at nakukuha ko. Marami kaming mansyon at lupain sa buong Pilipinas. Marami din akong koleksiyon ng kotse sa aming garahe.
Lahat nakukuha ko pwera lang sa isang bagay, at yan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya. Dito kasi sa mansyon, ako lang at ang tito ko ang kasama ko pati ilang mga maids. Wala na kasi akong daddy. Matagal na daw kaming iniwan sabi ni mommy. Si mommy na lang ang meron ako kaso lagi namang wala. Laging nasa business trip. Pero nauwi naman siya every weekend kaya kahit papano nakakapagbonding kami.
“Good morning!” bati ko kay tito at bumeso nang maabutan ko siya sa dining hall na nakain.
Itong tito ko ang naging yaya ko simula pa lang pagkabata. Halos siya na nga ang nagpalaki sa’kin dahil lagi namang wala si mommy. Hindi naman namin siya kamag-anak pero matalik daw silang magkaibigan ni mommy kaya pinagkakatiwalaan siya nito. Bumeso ako sa kanya dahil si tito ay may pusong babae. Bading kasi siya pero sobrang bait niya.
“Good morning,” nakangiti din nitong bati sa akin. “Kumain ka na.”
Umupo ako katapat niya sa table. Napansin ko ang upuan kung saan naupo si mommy kapag nauwi siya.
“Where’s mom?” tanong ko.
“I don’t know,” sagot ni tito habang patuloy sa pagkain. “Wala siyang sinabi kung saan siya pumunta. Out-of-town, I guess… Or maybe, out-of-the-country. You know your mom.”
“Can she make it this weekend?” tanong ko habang nakuha ng bacon at hotdog. “Last weekend, wala siya dito. I’m trying to contact her but she’s always out of reach.”
“I don’t know, Argel. Anyway, how’s your school?” sabi na lang nito. Alam kong dina-divert niya lang ang usapan just like he always does.
Hindi ko na pinansin pa ang tanong niya at kumain na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...