CHAPTER 17
YNNAH’s POV
“Mahal na prinsesa, gising na.”
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang mukha ni Mint. Nakasuot ito ng… pangkatulong?! Kunot-noo akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kasuotan niya. Nang igala ko sa paligid ang aking mga mata, nakita kong nasa loob ako ng isang napakalaking kwarto. Nababalutan ng mga ginto at mamahaling bato.
“N-nasan ako?” taka kong tanong kay Mint.
“Mahal na prinsesa, nasa inyo po kayong silid,” sagot nito.
Mahal na prinsesa? Bakit niya ko tinatawag na mahal na prinsesa? At aking silid? Akin itong napakalaking kwartong ito?! Ano ba talagang nangyayari?
“Mahal na prinsesa, nasa labas na po siya, hinihintay kayo,” sabi pa nitong si Mint.
“S-sinong siya?” kunot-noo kong tanong.
“Ang inyong minamahal. Ang mahal na prinsipe,” sagot nito. Minamahal? Mahal na prinsipe? Hala!
“S-sino?” nagugulumihanan kong tanong. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nagyayari ngayon.
*TOK TOK TOK*
Natigilan kami sa pag-uusap ni Mint nang may biglang kumatok.
“Mahal na prinsesa, naghihintay na po siya,” sabi pa ni Mint. “Halika na po.”
Naguguluhan man ako, pumayag na din akong dalhin ni Mint palabas ng kwarto. Noon ko lang napansin na nakasuot pala ako ng isang kulay puting gown na nababalutan ng mga kumikinang na mga puting bato. Napakaganda at napakagarbo. Ball gown yata ang tawag dito. Nang mapadaan ako sa napakalaking salamin sa aking kwarto, namangha ako nang makita ko ang ayos ng aking buhok na may nakapatong na kulay silver na tiara na nababalutan din ng mga puting diyamante.
Pagbukas ng pinto ni Mint. Tumambad sa amin si Harvey. Nakasuot din siya ng suot ng mga katulong na lalaki. Agad itong tumungo sa akin senyales ng paggalang. Pagtunghay ay agad na nagsalita.
“Mahal na prinsesa, narito na po ang mahal na prinsipe,” sabay lahad nito ng kamay kung nasaan ang prinsipeng tinutukoy niya.
Laking gulat ko naman nang makitang si…
“A-Argel?”
Unti-unti itong lumalapit sa akin habang nagsasabing, “Ako nga mahal kong prinsesa. Kamusta ka na mahal ko?”
Ano raw?! Pakiulit nga ‘yung sinabi niya sa akin?! Mahal kong prinsesa?! MAHAL KO?! Kinilabutan naman ako dun. Pero bakit parang nakaramdam ako ng saya? Teka, ano ba talagang nangyayari? Kanina pa ko nagtatanong at naguguluhan ah. Di ba nakasakay ako sa bus?
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...