Dedicated to kenxel_5!
Mr. Author’s Note: This is the chapter you’ve been waiting for. Ano nga ba ang magiging dahilan para tuluyan nang lumaban si Ynnah kay Alexa? Basahin na!
CHAPTER 37
Pagsapit ng Miyerkules, pinilit kong maging maayos kahit na nalulungkot ako. Papasok na ko sa CBA building nang biglang may magsalita mula sa likuran ko.
“Totoo ba?”
Napalingon ako. Si Argel pala.
“N-na ano?” taka kong tanong.
“Na aalis ka na?” seryoso ang boses ni Argel.
Tumango lang ako.
Katahimikan.
“Masaya ka?” bigla kong naitanong sa kanya.
“A-ako?!” nagulat siya sa sinabi ko. “Ako masaya?”
“Oo, masaya ka siguro no? Aalis na kasi ako. Wala nang mang-iinis sa’yo,” sagot ko.
“S-saan ka na mag-aaral?” tanong pa ni Argel.
“Hindi na siguro ako mag-aaral. Wala naman kasi kaming pera pang-kolehiyo eh. Umaasa lang naman kasi ako sa scholarship. Kaya lang naman ako nakapasok dito dahil sa scholarship eh,” sagot ko.
“Ynnah!”
Napalingon kaming dalawa ni Argel sa tumawag sa pangalan ko. Si Kiros pala.
“Oh bakit, Kiros?” tanong ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Minsan lang kasi kami magkita nitong crush ko eh.
“Totoo ba na hindi ka na raw mag-aaral dito dahil nawalan ka ng scholarship?” may pag-aalalang tanong sa akin ni Kiros.
“Oo eh. Teka, saan mo nga pala nalaman ‘yan?” taka kong tanong sa kanya.
“Sinabi sa akin nila Mint. Naghahanap kasi sila ng scholarship foundation na pwedeng mag-sponsor sa’yo,” paliwanag ni Kiros sa akin.
“Ahh… ‘Yun talagang dalawang iyon,” nasabi ko na lang.
“At gusto kong sabihin sa’yo na pwede kitang ipasok sa scholarship foundation ng pamilya ko,” nakangiting sabi pa ni Kiros.
Nakaramdam naman ako ng tuwa sa narinig pero mas nanaig sa akin ang hiya at dahilan kung bakit hindi na ako dapat pang mag-aral sa Eastfield.
“Salamat, Kiros pero wag na lang,” sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...