Dedicated to MyOnlySweetHeartXd! :)
Mr. Author’s Note: Happy Valentine’s Day!! Valentine’s gift ko nga pala sa inyong lahat ang update na ito. Guys, sorry if I didn’t keep the promise of ending this story last October. Believe me, I tried. Pero hindi talaga kinaya ng time kong magsulat after going home late every night dahil sa work ko. This time, I won’t promise anything but to update the story as frequent as I can. Tatapusin ko na rin itong story para hindi tayo mabitin lahat. I know how much you’ve waited for this update kaya naman hindi ko na patatagalin pa. Let’s all read the 50th chapter!
Sa pagtatapos ng kabanatang ito, magsisimula ang sunud-sunod na rebelasyon! Nalalapit na ang pagbabalik ni Ynnah sa kanyang mundo! ABANGAN!
CHAPTER 50
YNNAH’s POV
“Ate, alin ho? Ito ho ba?”
Ito ang tanong ni Aleng tindera kay Inay habang tinuturo ng kanyang panungkit ang isang red dress na may disenyo ng polka dots.
“Oo, Ineng. Patingin nga niyan,” sagot dito ni Inay.
Kaya tuwang-tuwang sinungkit ni Aleng tindera ang damit na nakasabit sa itaas at nang makuha na’y ibinigay ito kay Inay.
“O di ba, ‘Nak? Maganda?” pagmamalaki pa sa’kin ni Inay habang hawak-hawak ang damit.
Ano kayang maganda dun? Kapag sinuot ko ‘yun, magmumukha akong si Minnie Mouse. Kulang na lang ribbon eh!
“Nay, dinner ang pupuntahan ko, hindi New Year’s party!” pagmamaktol ko kay Inay. “Pasuotin daw ba ko ng ganyan?!”
Kasalukuyan lang naman kaming nasa tiangge ngayong hapon para bumili ng damit na susuotin ko para sa family dinner nila Kiros na pupuntahan ko bukas. Ang bilis nga ng mga pangyayari eh. Parang kaninang tanghali lang, galing sa’min si Kiros para magpaalam kay Inay, tapos ngayong hapon nga ay naghahanap na kami ng damit na susuotin para bukas.
Ang totoo niyan, si Inay talaga ang humila sa’kin dito para bumili pa ng bagong damit. Kung ako nga lang ang masusunod, okey na ‘yung dress na ginamit ko nung nag-JS Prom ako nung high school eh.
“Ate, bagay na bagay ho ‘yan sa inyo. Subukan niyo ho!” singit pa ni Aleng tindera. Syempre, gusto niyang makabenta.
Bumaling naman ako kay Inay, “Nay, subukan kaya nating tumingin sa iba?”
“Naku, Ate! Kung ayaw niyo ng polka dots, marami pa kami ditong iba!” singit na naman ni Aleng tindera. “May stripes, checkered, floral… Anong gusto niyo, ‘teh?”
Bumaling ulit ako kay Inay at humawak na sa braso niya, “Naaay, gusto ko nang umuwi.”
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasíaYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...