Chapter 47: The Scheme

6.4K 109 13
                                    

Dedicated to 77lovenotesleft! :)

Mr. Author’s Note: How are you, guys? :) Sorry po kung ngayon ko lang na-update ang story na ito after 2 weeks. I’ve been very busy po kasi sa work kaya hindi na ko nakapag-update. Actually, last week ko pa naisulat ang chapter na ito pero nawalan lang talaga ako ng time para i-update. Hope you understand po. :)

CHAPTER 47

YNNAH’s POV

Kinabukasan ng Linggo, nakatanggap ako ng mga text messages at missed calls galing kala Mint at Harvey. Kinukulit ako ng dalawa kung bakit hindi ako pumasok kahapon.

Mint: Friend, let’s chat today.

Harvey: Friend, Mint and I are online in Facebook now. Let’s chat!

Ilan lang ito sa mga natanggap kong text messages galing sa kanilang dalawa bukod pa dun sa mga text messages galing kala Argel at Kiros. Nakakatuwa nga eh. Anim lang ang laman ng phonebook ko—si Inay, Mint, Harvey, Kiros, Argel at Alexa—pero ang dami ng text messages na natatanggap ko nitong mga nakaraang araw.

Balak ko pa sanang bukas ng Lunes sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit biglaan akong umalis nung Biyernes at hindi ako pumasok kahapon pero talagang mainipin itong mga kaibigan ko at maging ako rin ay mukhang hindi na mapigilan pang hindi sabihin sa kanila kaya naman agad akong nagpunta sa Pisonet ni Kuya Benneth para mag-online.

Agad akong nag-log in sa Facebook at naabutan ko ngang online sila Mint at Harvey. Nagulat naman ako sa dami ng friend requests at notifications ko. Ilang linggo (o buwan na yata?!) na rin kasi akong hindi nakakapagbukas ng account ko pero dati naman wala akong natatanggap na friend requests at notifications bukod sa mga game requests galing kay Kuya Benneth. Hehe!

Bigla namang may nag-pop out na chat box.

Mint Park Santiago: Finally! :D

Ynnah Catacutan: Hello! :)

Harvey Yagi: How are you, friend?

Ynnah Catacutan: Okey naman ako. :)

Mint Park Santiago: What happened to you yesterday? Why didn’t you attend the awarding ceremony?

Hindi naman ako agad nakapag-type ng sagot. Sasabihin ko na ba sa kanila ngayon kung bakit? Sige na nga!

Ynnah Catacutan: Guys, may sasabihin ako sa inyo.

Harvey Yagi: What is it, friend?

Mint Park Santiago: Go on, friend.

Ynnah Catacutan: May nanliligaw sa’kin ngayon.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon