Chapter 43: The Charm Bracelet and the Emerald Necklace

6.3K 104 3
                                    

Dedicated to micaddict! :)

CHAPTER 43

YNNAH’s POV

 

“Fina, anak, gumising ka. Imulat mo ang iyong mga mata.”

 

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata dahil sa narinig kong pamilyar na boses. Nang tuluyan kong maimulat ang aking mga mata ay laking gulat ko nang malamang nasa ilalim ako ng tubig. Hindi ako pwedeng magkamali. Ilalim nga ito ng tubig.

Agad akong kinabahan. Bakit ako nasa ilalim ng tubig? Bigla ko namang naalala na nahulog nga pala ako kanina sa swimming pool! Magpa-panic na sana ako nang mapansin ko ang aking paghinga. Kanina lang ay hirap na hirap ako sa paghinga pero bakit parang hindi ako nahihirapang huminga ngayon? Parang natural lang ang aking paghinga. Ano bang nangyayari sa’kin? Panaginip ba ‘to?

Nasa ganun akong pag-iisip nang unti-unti na naman akong makaramdam ng paninikip ng dibdib. Pakiramdam ko na naman ay mapuputulan ako ng hininga. Para akong mauubusan ng hangin sa loob ng katawan ko. Pilit kong hinabol ang aking paghinga hanggang sa mapansin ko ang dalawang anino ng tao na lumalangoy sa ilalim ng tubig papunta sa direksyon ko.

At tuluyan nang nagdilim ang lahat.

THIRD PERSON’s POV

Agad na naiahon ni Argel si Ynnah katulong si Kiros. Inihiga nila ito sa tabi ng swimming pool kung saan nagkukumpulan ang mga estudyanteng panay ang pagkuha ng litrato at video sa walang malay na si Ynnah. Napansin naman ito ni Kiros.

“Hey, stop taking pictures!” saway ni Kiros sa mga ito.

Sabay-sabay naman na itinago ng mga nakuha ng litrato at video ang kanilang mga gadgets.

“Give us more space!” utos naman ni Argel.

Dali-dali naman na umurong ang mga estudyante upang bigyan ng mas malaking space ang kanilang lugar para makapasok ang hangin.

Halata sa itsura nila Argel at Kiros ang pag-aalala. Hindi nila malaman kung ano ang unang gagawin.

Agad na pinump ni Argel ang dibdib ni Ynnah habang paulit-ulit na sumasambit ng, “Please, wake up… Please…”

Ngunit ayaw pa rin nitong magising. Ilang beses na nila itong inulit ngunit nanatili pa rin itong walang malay. Unti-unti nang ginagapang ng kaba sila Argel at Kiros sa nangyayari.

“She needs CPR!” suhestiyon ni Mint na alalang-alala na rin.

Nagkatinginan naman sila Argel at Kiros. Waring naghihintay ng permiso ang dalawa kung sino ang magbibigay nito kay Ynnah. Pero hindi na nagdalawang-isip pa si Argel at hinanda na ang sariling bigyan ng mouth-to-mouth resuscitation si Ynnah. Pinump ulit ni Argel ang dibdib ni Ynnah pagkatapos ay ibinuka na nito ang bibig ni Ynnah at unti-unting inilapit ang kanyang bibig. Unti-unti rin namang inilalabas ng mga estudyante ang kanilang mga gadgets upang makuhanan ang pangyayaring ito. Samantala, si Alexa kasama sila Rox at Denise na nasa kumpulan din ay unti-unti namang nanggagalaiti sa galit.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon