CHAPTER 29
THIRD PERSON’s POV
Hindi siya pwedeng magkamali. Siya ang itinuturo ng emcee na kapareha ng damit ng babaeng dapat sana ay best dressed. Tiningnan ni Ynnah ang babaeng nasa gitna na katulad niya ng dress. Katulad nga niya ito ng suot na dress dahil pink din ito at pareho ang telang ginamit dito. May mga detalye lang ng mga beads ang suot ng babaeng dapat sana ay mananalo. Bukod dun, pareho na sila ng style at tabas.
“Sa iisang ukay-ukay lang ba kami bumili?” tanong ni Ynnah sa kanyang isipan. “Naku, kawawa naman siya. Dahil sa’kin kaya binawi ang pagkapanalo niya.”
Samantala, halos hindi naman malaman ni Alexa ang gagawin sa nalaman. Parang gumuho ang mundo niya nang malamang may kapareho siya ng damit. Paano nangyaring may katulad siya ng damit gayong nagpasadya siya?
Napansin ni Alexa ang pagbubulungan ng mga estudyante. Napansin pa niya na panay ang pagkuha ng litrato sa kanya at sa babaeng katulad niya ng damit. Pakiramdam niya ay hiyang-hiya siya sa nangyari kahit nakamaskara pa siya. Pakiramdam niya ay napahiya siya ng sobra. Tumingin siya sa table nila, napansin niyang nagbubulungan sila Rox at Denise. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa dalawa niyang kaibigan dahil lagi pa man din niyang ipinagmamalaki ang dress na suot niya ngayon. Pakiramdam din niya ay napahiya siya kay Argel. At higit sa lahat, siguradong mas lalo siyang ikahihiya ng mommy niya kapag nalaman ang tungkol dito.
Dahil sa halo-halong emosyon at napasok sa isip, nakaramdam si Alexa ng matinding galit sa babaeng sumira ng lahat. Sa babaeng sumira ng kanyang gabi. Ang babaeng katulad niya ng damit. Ang babaeng nakatayo ilang metro lang sa kinatatayuan niya. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng ito.
“I can’t believe this,” sabi ni Alexa habang unti-unting kinukuyom ang mga kamay. “I can’t believe this is happening.”
Samantala, napansin ni Ynnah na nakatingin at mukhang galit na galit sa kanya ang babaeng dapat sana ay nanalo. Napaatras siya dahil pakiramdam niya ay may masamang mangyayari sa kanya.
YNNAH’s POV
Ramdam ko ang galit sa akin ng babae. Di ko alam kung bakit sa akin siya nagagalit? Marahil ako ang sinisisi niya kaya hindi na siya ang nanalo. Unti-unti itong lumalapit sa akin. Napapaatras naman ako. Di ko alam ang gagawin ko sa oras na sugurin ako ng babaeng ito. Ayokong makipag-away lalo na sa harap ng mga tao dito.
“YOU B*TCH!” sigaw sa akin ng babaeng katulad ko ng damit habang nagmamadaling lumakad papunta sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Biglang hinablot ng dalawang kamay ng babae ang buhok ko pababa dahilan upang ma-out of balance ako at mapaupo. Ang sakit! Ang sakit ng ginawa niyang paghila sa buhok ko.
“You ruined everything!” pagwawala pa ng babae habang sinasabunutan ako. “You ruined my night!”
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasíaYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...