Chapter 34: The Perfect Bite

4.2K 100 6
                                    

Dedicated to Deweneede! She said that I inspired her to write story. Honestly, that’s my main reason why I write stories—to inspire others. Thank you so much! ;)

 

 

CHAPTER 34

 

THIRD PERSON’s POV

 

Kinabukasan, maagang pumasok si Ynnah sa Eastfield dala ang isang kahon ng puto na naglalaman ng 50 piraso nito. Agad siyang dumeretso sa cafeteria at ibinigay kay Mrs. Edna na kasalukuyang nag-aayos dito. Pagkatapos ay pumunta na siya sa loob ng classroom nila.

Siya pa lamang ang tao sa loob ng kanilang classroom pagdating niya roon kaya minabuti na lang muna niyang umidlip sa kanyang arm chair habang hinihintay ang kanyang mga kaklaseng dumating. Nagising na lang siya nang marinig niya ang maingay na usapan ng kanyang mga kaklase. Nang tingnan niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa bandang itaas ng white board sa unahan, napansin niyang ilang minuto na lang at magsisimula na ang first class nila.

“Good morning, friend!” bati nila Mint at Harvey na nakaupo sa magkabila niya.

“Good morning din,” pupungas-pungas siyang bumati din sa mga kaibigan. “Bakit di niyo ko ginigising?”

“Akala kasi namin napuyat ka eh kaya hinayaan ka muna naming matulog. Gigisingin ka na lang sana namin kapag parating na ang prof,” sagot ni Harvey sa kanya.

“Bakit ang aga mo yata ngayon, friend?” takang tanong ni Mint sa kanya. “Narinig ko sa mga kaklase natin, ikaw daw ang kauna-unahang nandito?”

“M-may inasikaso lang ako,” sagot ni Ynnah dito.

“Ano ‘yun?” takang tanong ni Harvey. Bigla namang pumasok ang kanilang prof.

“Good morning!” bati agad ng kanilang prof.

At nagsimula na ang kanilang unang klase.

**********

*BELL RINGS*

Nang matapos ang kanilang unang klase ay kanya-kanya na silang pag-aayos para mag-break. Nakaramdam naman ng kaba si Ynnah sa kanyang naalala. Ito kasi ang unang break ng lahat. Ito ang unang break kung saan pupunta ang mga estudyante para bumili at kumain sa cafeteria. Ano kayang mangyayari sa puto niya?

“Guys, CR muna tayo before we go to the cafeteria,” sabi ni Mint.

“Okay,” tugon naman ni Harvey.

Hindi naman makapagsalita si Ynnah dahil inaalala niya ang puto niya. Iniisip niya na sana ay maging mabenta ito.

Samantala sa cafeteria, agad na nagtungo sila Gohan, Ecko at Argel sa counter upang bumili ng kanilang kakainin ngayong break.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon