Chapter 36: The Bad News

4.5K 87 4
                                    

Dedicated to balugao07!

 

Mr. Author’s Note: Sorry for the late updates of this story. Been busy for some important matters. So here now is the continuation of the much awaited first twist of the story in the life of our prinsesa. Read it now!

 

 

CHAPTER 36

 

YNNAH’s POV

 

“Ms. Fernandina Catacutan, please go the Dean’s office now.”

 

Nagulat ako sa aking narinig mula sa intercom sa loob ng aming room. Pinapatawag kasi ako sa Dean’s office ngayon. Lunes ngayon at next week na magaganap ang aming final exams sa semester na ito. Sa ngayon, kasalukuyang nagtuturo ang aming prof ng huling lesson na isasama nito sa aming exam.

Napatingin sa akin sila Mint at Harvey sa narinig. Nakatingin sa akin ang buong klase at nahinto ang pagtuturo ng prof namin. Tumayo na lamang ako ng walang kaide-ideya kung bakit ako pinapatawag sa Dean’s office.

“Excuse me po, ma’am,” magalang kong sabi sa aming prof at naglakad na ko palabas ng room.

Nang mapatingin ako sa lugar na kinauupuan ni Alexa, ngumisi lang ito sa akin at umirap.

Habang naglalakad ako papunta sa Dean’s office na nasa isang building malapit sa entrance gate ng university ay iniisip ko kung bakit ako pinatawag ng Dean. Tungkol kaya saan iyon? Baka naman may ginawa akong kasalanan? Pero wala naman akong matandaan na may ginawa akong mali. Hindi kaya ito tungkol dun sa pagbebenta ko ng puto sa cafeteria? Wala talaga akong ideya.

Pagdating ko sa harap ng pintuan ng Dean’s office ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

“Come in!”

 

Pagbukas ko ng pintuan ay ngumiti ako na parang nahihiya. Hindi ko kasi alam kung bakit may kakaibang kaba akong nararamdaman idagdag mo pa ang lamig sa loob nitong office.

“G-good morning po,” nahihiya kong bati sa Dean.

“Good morning,” sabi ng Dean. “Have your seat.”

“Thank you po,” tugon ko sabay upo.

“Ms. Catacutan, I have something to tell you regarding to your scholarship and your status here in Eastfield,” simula ng Dean.

“A-ano po ‘yun?” kinakabahan kong tanong.

“I’m sorry to tell you but…” pinutol ng Dean ang sasabihin nito na ikinakaba ko pa lalo. “Your scholarship was turned down by the foundation sponsoring it.”

“Po?!” bulalas ko. Di ako makapaniwala sa aking narinig.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon