CHAPTER 23
YNNAH’s POV
“Benchmarking is the process of gathering information about other companies in your industry to compare your performance against and to use to set goals. It is a measurement of the quality of an organization's policies, products, programs, strategies, etc., and their comparison with standard measurements, or similar measurements of its peers. The objectives of benchmarking are first, to determine what and where improvements are called for, second is to analyze how other organizations achieve their high performance levels, and third is to use this information to improve performance.”
Nandito ako ngayon sa room. Kasalukuyan kaming nagte-take down notes sa mga sinasabi at pinapaliwanag ni Sir sa unahan. Hindi pala “kami”, “ako” lang pala. Kasi kanya-kanya silang pindot sa kanilang mga tablet computers samantalang ako, nagsusulat sa aking ni-recycle na notebook. Look at me, I’m wearing a uniform na! Tapos na siyang ipatahi. Hihi! Monday ngayon at last class na namin ‘to.
Tungkol nga pala dun sa investigation tungkol dun sa pagkawala ng cellphone ni Alexa na natagpuan sa bag ko, wala na kong narinig na balita ukol dun. Ang sinabi lang sa akin kanina na ipinatigil daw ang investigation dahil mayroon daw nakakita na may naglagay sa bag ko ng cellphone ni Alexa kaya absuwelto na ko. Sino kaya ang nagligtas sa akin?
*BELL RINGS*
“Friend, sama ka samin sa mall today?” yaya sa akin ni Mint habang nag-aayos siya ng gamit. Dismissal na kasi.
“H-hindi ako pwede eh,” pagtanggi ko. “Tutulungan ko pa kasi si Inay na maglaba.”
“Sayang naman, titingin pa man din kami ngayon ng mga accessories at shoes para sa Acquaintance,” sabi ni Harvey habang nagpipipindot sa iPad niya.
Oo nga pala, sa Saturday na nga pala ‘yun.
“Meron ka na bang susuotin, friend?” tanong ni Mint sa akin.
“Ang totoo niyan, h-hindi ako aattend ng Acquaintance party eh,” nahihiya kong pagsagot.
“Bakit naman?!” takang tanong ni Harvey.
“Eh ang mahal mahal kasi ng ticket,” sagot ko. “500 pesos! Baon ko na ‘yun sa dalawang linggo eh. Kaya pa nga hanggang tatlo.”
“Tatlong linggo?” di makapaniwalang tanong ni Harvey. “Iba ka talaga, friend! Bilib talaga kami sa’yo.”
“Iti-treat ka na lang namin!” biglang nasabi ni Mint. “Sagot ko na ticket mo!”
“Ay wag na! Wag na! This time, ayokong magpalibre sa inyo,” sabi ko.
“Girl naman, libre na nga tinatanggihan mo pa!” sabi ni Harvey.
“Nakakahiya na kaya,” sagot ko. “Ang dami niyo nang naitulong sa akin. At saka, ayaw ko talagang pumunta sa Acquaintance party na ‘yun eh. Hindi ako para dun.”
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasíaYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...