Dedicated to AshleyAnnCordero! Thank you for reading this story! ;)
CHAPTER 33
YNNAH’s POV
“Salamat ulit ha?”
Sabi ko pagkatapos kong tanggalin ang helmet na ipinasuot sa akin ni Kiros at iabot sa kanya. Nasa tapat kami ngayon ng aming mumunting bahay.
“Walang problema. Basta ikaw,” nakangiti niyang tugon. Kinilig na naman ako.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Panay sulyap lang ang ginagawa namin sa isa’t isa. Siya nakaupo sa itim na Ducati niyang motor samantalang ako nakatayo sa harap niya. Sa parte ko kasi, hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang naging awkward ang sitwasyon. Wala naman akong maisip na itanong o sabihin sa kanya. Basta ang alam ko lang, sobrang crush ko siya.
“Oh anak, nand’yan ka na pala!” narinig kong sabi ni Inay mula sa aking likuran.
Napalingon ako.
“Bakit ganyan ang uniform mo?” takang tanong ni Inay nang mapansin ang mga matsa ng uniform ko.
Hindi naman agad ako nakasagot.
“Good afternoon po,” magalang na bati ni Kiros kay Inay.
Nabaling naman sa kanya ang atensyon ni Inay at nginitian ito saka nagsalita, “Iho, pasok ka muna.”
“H-hindi na po, Tita. Sa susunod na lang po,” nahihiyang pagtanggi ni Kiros. “Hinatid ko lang po talaga ang anak niyo. May pupuntahan pa po kasi ako. Salamat na lang po.”
“May pupuntahan ka pa pala, hinatid mo pa ko,” sabat ko. “Baka mahuli ka sa pupuntahan mo.”
Nginitian lang ako ni Kiros.
“O sige,” nasabi na lang ni Inay.
“Una na po ako,” magalang na pagpapaalam ni Kiros kay Inay saka bumaling sa akin. “Ynnah, mauna na ko.”
“Mag-ingat ka ha?” bilin ni Inay dito.
Nakangiting tinanguan naman ito ni Kiros.
“Salamat ulit,” nakangiti kong sabi. “At ingat!”
At tuluyan nang umalis si Kiros lulan ng kanyang motorsiklo.
“Ang gwapo talaga ng batang iyon ano?” sabi ni Inay nang maiwan kaming dalawa sa labas ng aming bahay.
“Opo,” sang-ayon ko naman. Haha! Landi ko ba?
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...