Chapter 39: The Birth-date

5.8K 127 7
                                    

Dedicated to LENGsaymada! :)

 

CHAPTER 39

YNNAH’s POV

Ngayong second semester, limang araw na ang pasok namin. Kung nung first sem, M-W-F ang pasok ko, ngayong sem naman, M-T-W-F-S. Tuwing Thursday lang kami walang pasok. Kung dati magkasunod ang PE at NSTP namin, ngayon hindi na. Friday ang PE (Swimming) namin samantalang Saturday naman ang NSTP namin.

Naging maayos naman ang bawat araw ko sa Eastfield ngayong sem. Para ngang nagkaroon ng ceasefire sa pagitan namin ni Alexa. Napasin ko kasi na hindi na niya ko masyadong inaasar tulad ng dati. Sa totoo lang, nasanay na kong asarin niya pero kung tumigil na siya, edi mas mabuti. Pero dapat akong maging maingat. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.

Lumipas ang mga araw at mga linggo hanggang sa dumating ang buwan ng Disyembre. Ramdam na ramdam na talaga ang Pasko. Lalo kasing lumalamig ang simoy ng hangin. Ramdam na ramdam na din ang Pasko dito sa Eastfield. Napupuno kasi ng mga Christmas decorations at Christmas lights ang lahat ng building. Syempre, hindi papatalo ang CBA building na may temang white Christmas. Lakas maka-winter wonderland ng building namin.

Isang Miyerkules, katatapos lang ng klase namin sa Professional Salesmanship. Mga 4:30 na ng hapon noon. Nagmamadali akong naglalakad palabas ng building nang may biglang tumawag sa akin.

“Ynnah!”

Napalingon ako. Si Argel lang pala. Teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ko sa pangalan ko? Madalas kasi, “hoy” ang tawag niya sa’kin. Kundi man ‘yun eh bigla na lang niya kong kakausapin para makuha ang atensyon ko. Infairness to this guy huh!

“Bakit?” taka kong tanong sa kanya.

“Saan ka pupunta?” tanong naman niya.

“Uuwi na,” sagot ko.

“Hindi ka pa pwedeng umuwi,” sagot niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“Sasamahan mo pa ko,” sagot pa niya.

“Saan naman?” tanong ko pa.

Napaisip siya. Ang tagal niyang mag-isip ha! Uwing-uwi na ko eh. Ang dami ko pa kayang gagawin sa bahay ngayong araw. Tutulungan ko pa si inay maglaba, gagawa pa kami ng mga puto dahil ang dami naming order, at kung anu-ano pa.

“K-kahit saan,” tanging naisagot lang niya. Grabe ha? Parang fifteen minutes siyang nag-isip tapos ‘yun lang pala ang isasagot niya.

“Ha?!” taka kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi siya maintindihan. Bigla-bigla na lang siyang magyayaya sa kung saan.

“Halika na,” tanging nasabi lang niya at naglakad na papalapit sa akin. Biglang hinawakan ang braso ko. Balak pa yata akong kaladkarin.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon