Chapter 20: The Cutest Smile On Earth

4.7K 90 9
                                    

CHAPTER 20

 

YNNAH’s POV

 

Dali-dali naman kaming naglakad papunta sa locker room area hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang locker.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko pa.

Binuksan ni Harvey ang locker sabay sabi nilang dalawa ni Mint ng, “Surprise!”

FERNANDINA CATACUTAN

Nagulat ako sa aking nakita. Nakasulat sa papel ang pangalan ko sa loob ng locker na binuksan nila.

“From now on, this is your locker!” nakangiting sabi ni Harvey.

“Look, magkakatabi tayong tatlo ng locker,” sabi pa ni Mint.

Oo nga, magkakatabi nga kami ng locker. Nakakatuwa naman. Pwede na kong mag-iwan ng gamit, damit pamalit at libro. Tinotoo nga ni Harvey yung sinabi niya sa aking siya na ang bahala sa locker ko.

“So, what’s the password?” pahiwatig ni Harvey.

Hmmm, ano nga bang magandang password? Ah, alam ko na. Birthday ko na lang. Agad ko namang sinet ang password ng locker ko. Syempre, hindi alam nila Harvey at Mint. Tinanong lang nila ako kung anong ipa-password ko.

“Salamat, Harvey!” masaya kong sabi kay Harvey.

“Hey, hindi pa tapos,” singit ni Mint. “May surprise din ako para sa’yo no!”

“Ano ‘yun?” excited kong tanong.

Kinuha naman niya sa locker niya na katabi ng locker ko ang surprise niya sabay sabi ng, “Surprise!”

“Wow!” bulalas ko habang inaabot ang lumang PE jogging pants ng Eastfield na ipinangako niya sa akin.

Nang tingnan ko naman ito, bakit parang hindi naman luma? Ang ganda kasi ng kulay ng pants. Tapos nang amuyin ko, amoy bago. Yung amoy galing sa pagawaan.

“Pinaglumaan mo na ba talaga ito?” tanong ko kay Mint.

Nagkatinginan silang dalawa ni Harvey saka siya sumagot, “Ah o-oo naman. Luma na ‘yan. P-pero hindi naman kalumaan. Mga last year lang.”

“Ah…” pagtango ko.

“Medyo bitin na kasi sa akin eh kaya hindi ko na nasuot,” paliwanag pa nito. “Sana sakto lang sa’yo.”

Mas matangkad kasi sa akin si Mint ng siguro mga two inches. Buti na lang pala at pareho lang ang PE uniform ng high school at college department ng Eastfield. After all, iisa lang naman ang pangalan na ginagamit nito kundi Eastfield University.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon