Dedicated to mendoza0623! :)
CHAPTER 42
YNNAH’s POV
“Fina, mahal kong anak, patawad kung hindi ka na namin makikitang lumaki ng iyong ama. Mahal na mahal ka namin, anak. Itong kwintas na ‘to ang magpapaalala sayo na isa kang anak ng Odnum. Balang araw, ikaw ang magbabalik ng katahimikan sa buong kaharian.”
“S-sino po kayo?”
“Ako ang iyong ina.”
“Ina? T-teka! Teka lang po! Wag po muna kayong umalis! Teka lang po!”
“Teka lang!” sigaw ko matapos kong imulat ang aking mga mata. Hingal na hingal akong natulala matapos mapagtanto na isa lang pala iyong panaginip.
Napaginipan ko ang isang babae na umiiyak habang ako’y kinakausap. Hindi ko makita ng malinaw ang kanyang mukha. Matapos itong magsalita ay tuluyan na itong umalis. Kahit anong gawin kong tawag ay hindi ako magawang lingunin. Sino kaya ang babaeng iyon?
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa itaas. 9:45 AM na pala! Biyernes ngayon at may pasok pa ko ng 10:30 AM sa subject na PE. Ngayon ang first practical day namin sa swimming.
Agad akong bumangon upang kumain ng umagahan. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto…
“Happy birthday, Anak!” sigaw ni inay. Nagsabog pa ng home-made confetti. Gawa kasi sa dyaryo ng tinapa ‘yung papel na ginamit.
“Thank you, ‘Nay!” nakangiti kong sabi sabay yakap dito. Mahigpit.
“Kumain ka na, Anak. Naghanda ako ng espesyal na umagahan para sa’yo,” sabi ni inay matapos kaming magkalas sa pagkakayakap.
Laking tuwa ko nang makita ang hinandang espesyal na umagahan para sa’kin ni inay. Walang iba kundi ang minana pa raw niya sa kanyang kanunununuan—ang sopas na may oregano’t malunggay at kung anu-ano pang gulay! Para siyang pinagsamang chopsuey at sopas. Kapag may espesyal na okasyon lang ito niluluto ni inay eh. Masarap naman siya sa panlasa ko.
“Salamat, ‘Nay.”
Masaya naman akong pinagmasdan ni inay habang nakain. Maya-maya pa, nagtanong na ito.
“Anong oras ang uwi mo mamaya, Anak?”
“Mga 1:30 po ang tapos ng klase ko, ‘Nay,” sagot ko matapos ngumuya.
“Wala ba kayong pupuntahan ng mga kaibigan mo?” tanong ni inay.
“Wala naman po,” sagot ko. Wala naman akong natatandaan na pinag-usapan namin nila Mint at Harvey ngayong birthday ko.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...