Chapter 48: The Test

5.6K 112 15
                                    

Dedicated to missybella08! :)

CHAPTER 48

YNNAH’s POV

“Isang babaeng estudyante na napag-alamang nag-aaral sa sikat at prestihiyosong Eastfield University ayon sa suot nitong uniporme ang nahuli na nagnakaw ng damit sa isang mamahaling dress boutique sa mall kaninang hapon.”

Dali-dali naman akong nagpunta sa sala upang manood sa TV.

“Ayon sa mga nakasaksi, itinago ng babaeng estudyante ang isang asul na blouse na nagkakahalaga ng higit-kumulang anim na libong piso sa kanyang bag. Minabuti naming hindi ipakita ang mukha ng babaeng estudyante dahil sa ito’y menor de edad pa.”

“Anak, oh, parang ikaw,” sabi ni Inay sa akin habang nakatingin sa blurred na larawan na ipinakita sa TV. “Sino kaya ‘yan?”

Hindi naman ako makapagsalita sa gulat at takot. Hindi ko akalaing maibabalita ang nangyari sa TV.

“Samantala, mabilis namang kumalat ang mga larawan ng babaeng estudyante sa social media na kuha ng mga nakasaksi at umani ng iba’t ibang mga komento mula sa mga netizens.”

Dyusko!

“Agad namang umaksyon ang pamunuan ng Eastfield University at tinanggal ang mga larawan ng kanilang nasabing estudyante sa social media. Sa ngayon ay wala na ito at hindi na makikita sa kahit na anong social websites.”

Napabuntong-hininga naman ako ng malalim. Buti naman kung ganun.

“Hiningi namin ang panig ng unibersidad at sinabi na gagawa muna sila ng imbestigasyon ukol sa nangyari bago maglabas ng opisyal na pahayag. Sinigurado naman nila na mabibigyan ng kaukulang aksyon ang nangyari at mabibigyan ng kaukulang parusa ang mapapatunayang nagkasala. Sa ngayon ay humingi ng paumanhin ang unibersidad sa nangyari.”

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa nalaman. Sobrang kinabahan ako. Pakiramdam ko sumisikip na naman ang dibdib ko. Naiiyak na naman ako.

“Oh, Anak! Bakit?” narinig kong sabi ni Inay.

Nagulat naman ako. Hindi ko napansin na tiningnan pala niya ako.

“Bakit?” tanong pa ni Inay at tumayo na ito palapit sa’kin. “Bakit parang balisa ka? Bakit, Anak?”

Ayoko sanang malaman pa ni Inay ang nangyari pero alam ko na hindi tamang itago ko sa kanya ito. Hindi na ko nakatiis pa at hindi ko na napigilan pang umiyak.

“Nay, sorry po!” umiiyak kong sabi kay Inay.

“Bakit? Anong bang nangyari sa’yo?” tanong ni Inay. Alam kong nagtataka siya.

“Nay, ako po ‘yung babaeng estudyanteng tinutukoy sa TV. ‘Nay, hindi po ako nagnakaw, maniwala po kayo sa’kin,” sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon