CHAPTER 14
YNNAH’s POV
Laking gulat ko nang makita sa bag ko ang nawawalang cellphone ni Alexa. Paano napunta sa loob ng bag ko ‘yun?
“She stole it! She stole my phone!” pamimintang ni Alexa sa akin.
Kanya-kanyang bulungan na naman ang mga kaklase ko samantalang ako, naguguluhan. Ni hindi ko nga alam kung paano napunta ‘yung cellphone niyang ‘yun sa loob ng bag ko eh.
“S-Sir, hindi ko po kinuha ‘yan,” pagtanggi ko. Eh sa hindi ko naman talaga kinuha.
“Huling-huli ka na, tinatanggi mo pa!” galit na galit na sabi sa’kin ni Alexa. “Why don’t you just admit it! Magnanakaw ka!”
Bumaling ako kay Alexa, “Hindi ako magnanakaw!”
Kitang-kita ko kung paano ako tingnan ng mga kaklase ko. Para nila akong pinandidirihan.
“Nakakahiya siya no?”
“How embarrassing.”
“Nahuli na, tinatanggi pa.”
“Magnanakaw.”
“Shame on her.”
Nakaramdam ako ng matinding hiya sa mga naririnig mula sa kanila. Bakit hindi muna nila ako pakinggan bago nila ako husgahan? Ganun ba talaga kababa ang tingin nila sa’kin?
“S-Sir, let me explain—” mangiyak-ngiyak kong sabi.
“You don’t have to explain anything!” sabat ni Alexa. “Nakita naming lahat, galing sa bag mo ang phone ko! Mahirap ka na nga, magnanakaw ka pa!”
Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig mula kay Alex kaya hinarap ko ulit siya.
“Tama ka, Alexa. Mahirap lang kami. Hindi namin kayang bumili ng mga bagay na meron ka! Na meron kayong lahat! Pero hindi ibig sabihin nun na gagawa na kami ng masama. Mahirap nga kami pero hindi kami magnanakaw. At kahit kailan, hinding-hindi ako magnanakaw!”
“Stop it!” saway sa’min ng aming prof. “Walang pupuntahan ang bagay na ‘to kung mag-aaway lang kayo. Ms. Catacutan, come with me.”
Tiningnan ko sila Mint at Harvey. Wala silang magawa kundi ang tingnan ako ng may pag-aalala. Siguro naman hindi sila naniniwala sa binibintang sa’kin.
Napatingin di ako sa likuran. Napansin kong umiwas lamang ng tingin sa akin si Argel nang magtama ang tingin ko sa kanya. Siguro lalo lang nagiging masama ang tingin sa akin ng lalaking ‘to ngayon.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasiYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...