Chapter 19: What's On Your Mind

5.2K 85 2
                                    

CHAPTER 19

 

ARGEL’s POV

 

“Bakit naman kita hahalikan?” taka kong tanong sa kanya.

 Para itong di mapakali sa tanong ko.

“Ah eh… wala! Wala yun! Wag mong isipin ‘yun,” di malaman nitong sagot sa akin. “Wala lang ‘yun.”

Ang weird talaga nitong babaeng ito.

“Gutom ka ba?” tanong ko. Hindi talaga ako concern sa tiyan niya. Tinanong ko lang siya dahil kung anu-anong ginagawa niya at lumalabas sa bibig niya.

“H-hindi naman,” sagot nito sabay biglang tumalikod. Mukhang matutulog na naman siya.

“Matutulog ka na naman ba?” taka kong tanong.

“O-oo,” sagot nito habang nakatalikod sa akin.

“Baka kung anu-ano na namang gawin mo,” sagot ko.

Bigla naman itong bumalikwas paharap sa akin.

“B-bakit, a-anong ginawa ko kanina habang natutulog ako?” bulalas nito.

Napangiti naman ako nang maalala ko pero ayaw kong sabihin sa kanya.

“Wala,” sagot ko at tumingin ulit sa glass window.

“Ano nga?” pagpupumilit pa nito.

“I won’t tell you,” sabi ko pa habang patuloy na nakasilip sa glass window.

“Argel naman eh!” angil pa nito. “Kung ano man ‘yun, wala lang ‘yun. Dala lang ‘yun ng pagod.”

Napangiti na lang ako.

“N-nasan na nga pala tayo?” tanong pa nito.

“We’re still inside the bus, can’t you tell?” pilosopo kong sagot. Ganito talaga ako eh.

“Ang ibig kong sabihin, nasaan na tayo banda?” pagtatama pa nito sa tanong niya eh wala naman akong balak sagutin siya ng tama. Hahaha!

“I’m not a GPS or a Google map,” sagot ko.

“Thank you ha? Nasagot mo lahat ng tanong ko,” sarkastiko nitong sabi sa akin. “The best ka talaga.”

“Yes, I am,” di ko papatalong sagot. Hahaha! Sarap niya kasing inisin.

“In a bad way!” sabi nito at napansin ko pang bumalikwas na ito patalikod sa akin. Mukhang matutulog na naman.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon