Chapter 16: Cat and Dog

6.1K 106 10
                                    

CHAPTER 16

 

YNNAH’s POV

 

“Tuloy kayo,” nakangiting sabi sa amin ni Mang Kanor.

Pinapasok niya kami sa kanilang mumunting tahanan. Maliit lang ito na gawa sa mga pinagtagpi-tagping kahoy, plywood at tarpaulin. Kahit papano’y meron silang bubong. Napag-alaman naming dalawa ni Argel na meron sila Mang Kanor na anim na anak. Halos lahat ay bata pa.Limang taon ang pinakamatanda at ang pinakabata naman ay ilang buwan pa lamang.Sa katunayan nga ay pinapasuso pa ito ng asawa ni Mang Kanor nang datnan namin.

“Pasensya na kayo, maliit at medyo masikip ang bahay namin,” nahihiyang sabi ni Mang Kanor sa amin.

Tiningnan ko muna si Argel bago magsalita kay Mang Kanor, “Naku, okey lang po ‘yun. Wag niyo po kaming alalahanin. Sanay na po ako sa maliit at masikip. May kaliitan din po kasi ang bahay namin.”

Si Argel naman hinihintay kong magsalita ng kahit na anong pampalubag-loob na salita ngunit palinga-linga lang sa paligid ang ginagawa.

Siniko ko siya.

“Ah eh… Ang liit masyado ng bahay niyo, hindi well-ventilated. Tapos yung bubong butas-bu—”

Natigilan naman siya sa pagsasalita nang pasimple ko siyang sikuhin at pandilatan ng mata. Kung anu-ano kasing sinasabi. Kesyo hindi daw well-ventilated, ano namang alam nila Mang Kanor at Aling Bebang dun? Siniko ko na at baka kung anu-ano pang lumabas sa bibig nitong lalaking ‘to.

“Uhm, simulan na po natin ang gawain,” nakangiti kong sabi. “Ano po bang kaylangan ninyong gawin ngayon?”

Alas-diyes na ng umaga. Medyo mainit na rin.

“Kaylangan kong mag-igib ng tubig,” sagot ni Mang Kanor.

Binigyan ko naman si Argel ng isang makahulugang tingin. Saka ngumiti.

“What?” taka niyang tanong.

*****

“Do I need to do this?” mahinang tanong nito sa akin. Iritado ang boses habang dala-dala ang dalawang balde sa magkabilang kamay.

Sinusundan namin ngayon si Mang Kanor sa lugar kung saan siya nag-iigib ng tubig.

“Aba malamang,” mahina kong sagot sa kanya bitbit ang isang balde. “Kaya nga tayo nandito di ba?”

“Nandito na tayo,” sabi ni Mang Kanor.

“A-ano ‘yan?” takang tanong ni Argel habang nakatingin sa pamosong poso.

“Poso!” sagot ko. “Poso lang hindi mo pa alam?”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon