Dedicated to JoerelynnSalvador! :)
CHAPTER 49
YNNAH’s POV
Nang matapos naming iluto lahat ng putaheng ulam na ititinda namin ngayong araw ay naghanda naman kami para sa pagtitinda. Pinatulong ni Inay sila Argel at Kiros na maghanda sa labas ng aming bahay at pinabuhat lahat ng nilutong ulam na nakalagay sa kaserola.
“Nay, maliligo muna ako,” paalam ko kay Inay.
“O sige, ‘Nak.”
Kaya naman naghanda na ko at pumasok sa loob ng banyo para maligo. Kasalukuyan kong sinasabon ang sexy kong katawan nang may marinig akong ingay na unti-unting lumalakas mula sa labas. Ano kaya ‘yun? Bakit ang ingay sa labas?
Nagmadali naman akong maligo para malaman kung ano nang nangyayari sa labas. Sobrang ingay kasi. Parang mga taong sabay-sabay na nagsasalita.
Lumabas ako nang banyo na may nakatapis na tuwalya sa katawan at isa pang tuwalya na nakatali pataas sa ulo ko. Agad akong sumilip sa bintana at laking gulat ko nang malaman ang pinanggagalingan ng ingay na ‘yun—ang aming mga panindang ulam!
Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng mga taong nagsisiksikan at nag-uunahang bumili sa mga panindang ulam namin ngayong araw. Buong barangay yata namin nandito sa harap ng bahay namin ngayon eh.
Lalo pa kong nagulat nang makita na wala nang taong nagbabantay at nakikiramay sa nakaburol sa aming kapit-bahay. Pati mga apo ni Lelang Lucia nakikipagsiksikan din sa pagbili ng ulam!
“Pogi! Pabili ako nito! At saka nito! Isama mo na rin ang sarili mo!”
“Hi, Kuyang pogi! Dalawang order nga nito! Tatluhin mo na pala! Para I love you!”
“Kuya, pengeng sabaw huh! Penge ding number mo!”
“Kuyang pogi, kasing sarap mo ba ‘tong ulam na ‘to?”
“Ang pogi niyo namang dalawa!”
Kaya pala. Kaya pala ang daming taong nabili sa panindang ulam namin ngayon. Walang ibang dahilan kundi ang dalawang lalaki na pinagbabantay ni Inay sa mga panindang ulam namin sa labas ng aming bahay. Nakakaloka! Ang benta! ‘Yung iba, nagpapa-picture pa sa kanila. Ano ‘to, meet and greet? Mall show lang?
“Ayos, di ba?” biglang sabi ni Inay mula sa likuran ko na ikinagulat ko.
“Nay, bakit niyo naman iniwan ‘yung dalawa dun sa labas?” tanong ko kay Inay.
“Bakit, ‘Nak? Nag-aalala ka ba na pinagkakaguluhan silang dalawa ng ibang mga babae?” mapanudyong tanong ni Inay.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...