Chapter 15: Outreach Program

5.6K 103 22
                                    

CHAPTER 15

 

YNNAH’s POV

 

Nagmamadali ako ngayon papunta sa Eastfield. Biyernes kasi ngayon. At ngayon na yung outreach program na gagawin namin para sa NSTP subject namin. Actually, dapat may PE din kami ngayon pero nakiusap si Sir Ferrer kay Sir Ramirez kaya magkakaroon kami ng make-up class sa PE bukas ng Sabado.

“Mag-aalas sais na,” sambit ko sa aking isipan nang makita ang oras sa aking relo. “Naku, male-late na ko.”

6AM kasi ang call time namin. Kaylangan bago mag-alas sais ay nasa loob na kami ng bus na sasakyan namin papunta sa lugar kung saan kami maga-outreach program. Parang field trip lang.

Pumara na ko ng jeep. For sure, wala namang trapik dahil medyo maaga-aga pa. Naku, ayokong maiwan ng bus.

Magdadalawang araw na simula nung nangyari yung ginawa sa’kin nila Alexa. Wala naman kaming pasok kahapon kaya nagkaroon ako ng panahon para makapag-isip-isip. Dahil nga sa nalaman ko na planado lahat ‘yun nila Alexa kaya naisip ko na lang na balewalain ang tingin ng mga kaklase ko sa’kin. Basta alam ko sa sarili ko na malinis ang konsensiya ko. At isa pa, wala naman akong dapat pang patunayan sa kanila dahil una pa lang na pagpasok ko sa Eastfield ay nahusgahan na nila ako. Kaya dapat mas paghusayan ko na lang ang paggamit sa “The Art of Dedma”.

“6:55 na!” bulalas ng aking isipan.

Pagtingin ko sa unahan ng jeep, nandito na pala ako sa tapat ng Eastfield kaya naman dali-dali akong pumara at bumaba. Pumasok ako sa loob at nadatnan ang isang napakahabang bus na gagamitin namin.

Pagpasok ko, napatingin na naman sila sa’king lahat. Wala nang bago dun actually.

Binigyan ko sila ng isang napakalaking smile at bumati, “Good morning!”

“Good morning din,” bati ng driver. “Buti’t nakahabol ka.”

Expected ko talagang walang babati pero okey na rin at binati ako ng driver ng bus.

“Oo nga po eh,” sabi ko at naglakad na ko sa loob para makahanap ng mauupuan.

Lahat naman ng mga kaklase kong makakatitigan ko sa mata ay bigla na lang akong iniirapan.

“Naku, halos puno na lahat,” pag-aalala ko.

Hanggang sa makita ko sila Mint at Harvey na malapit sa dulo.

“Uy, guys…” tawag pansin ko sa kanilang dalawa.

“Uy, friend…” pansin ni Mint sa akin. “Pasensya ka na pang-dalawanan lang kasi ang upuan eh. But we saved you a seat sa likod namin.”

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mint. Buti na lang at hindi pa pala ako nauubusan ng upuan. Akala ko magiging kundoktor ang peg ko sa buong biyahe eh.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon