CHAPTER 21
YNNAH’s POV
“Okey ka lang ba talaga?” tanong pa ni Mr. Killer Smile sa akin. Kung nakamamatay lang talaga ang kanyang pamatay na ngiti, kanina pa ko naisugod sa ospital.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang pogi-pogi niya. Ang amo-amo ng mukha niya. Nangungusap ang kanyang mga mata.
“O—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Naalala ko nga pala, amoy balot pa pala ang hininga ko. Kahiya naman!
Hawak pa rin niya ko sa aking mga bewang. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha. Hindi ko alam kung paano kakalas. Kapag nasalita ako, maaamoy niya ang amoy balot kong hininga.
“Friend!” nag-aalalang tawag ni Mint mula sa likuran ko. “Okey ka lang?”
Dun lang kaming dalawa ni Mr. Killer Smile natauhan. Hinarap ko si Mint pero nakahawak pa rin sa bewang ko si Mr. Killer Smile samantalang nakakapit naman ako sa kanyang balikat.
Pagtingin ko kay Mint, kasunod pala niya si Argel at ang iba pa naming mga kaklase. Natigilan si Argel sa pagtakbo nang makita kami at nanatili itong nasa likuran ni Mint.
Nang tingnan ko si Argel, seryoso siyang nakatingin kay Mr. Killer Smile. Pagtingin ko kay Mr. Killer Smile, seyoso rin siyang nakatingin dito. Anong meron sa dalawang ‘to?
“Okey lang ako, M—ah!” sagot ko kay Mint pero na-out of balance pa rin ako nang tanggalin ko ang pagkakakapit ko sa balikat ni Mr. Killer Smile. Nanghihina ang tuhod ko sa sakit.
“Kaylangan na talaga kitang dalhin sa clinic,” biglang sabi ni Mr. Killer Smile.
“Hindi, okey la—Ay kabayo!” nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Yung buhat ng bagong kasal. Ganun.
“Can you excuse her to your prof?” magalang na sabi ni Mr. Killer Smile kay Mint. “Tell your prof that I need to bring her to the clinic.”
Para namang natulala si Mint. Hala! Ano nang nangyari dito sa kaibigan ko?
“O-okay,” sagot ni Mint dito.
Si Argel naman parang estatwa lang na nakatayo sa likuran ni Mint. Wala talagang pakinabang ‘yung lalakin ‘yun.
“Sige, friend. Sunod na lang ako sa’yo sa clinic after kong magpaalam kay Sir,” sabi sa akin ni Mint.
Tumango na lang ako. Tapos tuluyan na kong dinala ni Mr. Killer Smile sa clinic.
Pagdating namin sa clinic ni Mr. Killer Smile, maingat niya kong binaba sa bed at kinausap ang nurse. Ako naman ay pinagmamasdan lamang siyang nag-aalala at nag-aasikaso sa akin. Ang sarap kasi niyang panoorin.
Hanggang sa i-check up na ko ng doktor at salamat sa Diyos dahil wala naman akong tinamong bali. Binigyan niya lang ako ng pain reliever.
BINABASA MO ANG
The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)
FantasyYnnah Catacutan is a simple “puto” vendor who has a big dream. What will happen if she meets the most arrogant man in the world, Argel de Vera and the wicked witch in her real life, Alexa Aldama? And what if she found out that she is a real princess...