Chapter 5: First Day, Second Encounter

5.6K 97 1
                                    

CHAPTER 5

 

YNNAH’s POV

 

“Anak, ilagay mo na ‘to sa bag mo! Baka makalimutan mo ‘tong baon mo!”

Sigaw sa’kin ni inay mula sa kusina. Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nakaharap sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng t-shirt at jeans. Wala pa kasi akong uniform eh. Nasa patahian pa. Hindi naman kasi sakop ng scholarship ko ang uniform at books. Tanging tuition fee lang at allowance kada semester.

“Anak, hindi ka pa ba tapos d’yan? Baka mahuli ka!” sabi pa ni inay mula sa kusina.

Si inay talaga, mas excited pa sakin. Ako nga kinakabahan eh. Sino ba namang hindi? Eh papasok na ko sa eskwelahang matagal ko nang gustong pasukan. At isa pa, late enrollee ako. Paniguradong all eyes on me ang mga yun sa’kin.

“Kaya mo yan, Ynnah!” sabi kong ganyan sa harap ng salamin. “Fighting!”

Paglabas ko ng kwarto, para namang nakakita ng dyosa si inay.

“Hang ganda ng anak ko oh!” bulalas niyang ganyan.

“Kayo naman, Nay. Maliit na bagay,” sabi kong ganyan at nagkunwaring nahihiya pa.

“Aalis ka na ba?” tanong pa ni inay.

“Opo, Nay. I’m so ready!” masaya kong sabi. “Nasaan na ang bag ko, Nay?”

“Ay, nandun sa kusina. Inilagay ko yung baon mo,” sagot nito. “Teka, kukunin ko lang.”

Hinintay ko naman yun at pagdating ni inay, siya na ang nagsukbit sa likuran ko.

Kiniss ko naman si inay sa pisngi sabay sabing, “Thank you, Nay. I love you po!”

“I love you din, anak,” halos maiyak nitong sabi.

“Nay, iiyak ka ba?” pansin ko. “Nakakaloka ka, Nay ah. Hindi naman ako mag-aabroad eh.”

“Hindi ako naiiyak ha?” sabi nito. Halatang pinipigilan niyang maluha.

“Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan!” pang-aasar ko pang ganyan habang nakembot.

“Ay naku, umalis ka na nga at baka magbago pa ang isip kong pag-aralin ka,” biro pa ni inay habang tinutulak ako palabas ng bahay.

“Sige, Nay. Bye!” pagpapaalam ko.

“Sige, anak. Mag-iingat ka!” bilin pa nito.

At umalis na ko upang pumunta sa may sakayan ng jeep. Pagsakay ko ng jeep, agad kong inabot ang bayad ko.

“Bayad po!” pag-aabot kong ganyan sa driver ng aking student fare. “Estudyante, first day sa klase!”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon