Chapter 40: The Fault In Our Car

8K 111 14
                                    

Dedicated to sadist_gkongju! :)

Mr. Author’s Note:

This is the longest chapter that I have made so far. When I did this in Word, umabot ito ng 27 pages with a font size of 12. I was about to cut it pero hindi ko na ginawa. Mahaba itong chapter na ito but I’m sure na hindi niyo mararamdaman dahil sigurado akong mag-eenjoy kayo habang binabasa ito. Basahin na! :)

CHAPTER 40

YNNAH’s POV

Napangiti ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, natutuwa lang ako na marinig sa isang Argel de Vera na inlove siya.

Nasa ganun kaming pagtititigan nang biglang umandar ang ferris wheel.

“Ayyy!” sigaw ko sa gulat.

Bigla naman siyang napahawak sa kamay ko dahil sa gulat.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Napatingin din siya sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Tapos sabay kaming tumingin sa isa’t isa.

Saka lang niya biglang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

AWKWARD!

Nasa regular na pag-ikot na ang ferris wheel nang bigla ko siyang kulitin tungkol sa sinagot niya sa tanong ko kanina. Para mawala na din ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

“Inlove ka pala ha!” biro ko. “Kanino?”

“Huh?” pagmamaang-maangan niya.

“Di ba sabi mo kanina inlove ka?” pagpapaalala ko sa kanya.

“I didn’t say anything,” sagot niya.

“Hoy! Kasasabi mo lang,” pagpupumilit ko.

“No, I didn’t,” insist niya. Talagang pinaninindigan niyang wala siyang sinabi kanina kahit rinig na rinig ko naman. Nahihiya siguro.

“Sino? Kilala ko ba?” pangungulit ko pa sa kinahuhumalingan niya. “Kilala ko ba siya?”

Tinitigan lang niya ko tapos unti-unti siyang ngumiti saka tumingin ulit sa kalangitan. Mukhang hindi ko na ulit siya mahuhuli sa bibig. Pero isa lang ang nasisiguro ko: inlove ang impakto.

“Have you seen it?” tukoy niya dun sa bituin na pinapahanap niya sa akin habang nakatingin siya sa kalangitan. Tinitingnan na naman siguro ‘yung bituin na ‘yun.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon