Chapter 46: The First Move

5.2K 109 32
                                    

Dedicated to aldwingarrote! :)

CHAPTER 46

YNNAH’s POV

Kinabukasan ng Sabado (February 15), ang dami kong natanggap na messages kagabi. Lahat galing kay Argel at Kiros. ‘Yung totoo? Nagpaparamihan ba silang dalawa ng text sa akin?

Napagdesisyunan ko namang hindi na pumasok ngayong araw. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko sila Argel at Kiros ngayon. Parang nahihiya akong makita sila. Ewan ko ba. Parang ang awkward ng feeling na makita silang dalawa. Napansin naman ito ni Inay.

“Oh, anak. Hindi ba’t may pasok ka pa ngayong araw?” tanong sa’kin ni Inay habang nagluluto ng mga ulam na ititinda namin. “Bakit hindi ka pa naliligo?”

“Hindi po ako papasok, ‘Nay,” sagot ko. “Awarding lang naman po ang magaganap ngayong araw.”

“Wala ka bang award?” tanong sa’kin ni Inay.

“Meron po, sa jackstone at Chinese garter. Ipapakuha ko na lang kala Mint,” biro ko kay Inay.

“O sige, basta ipakita mo sa’kin nang maisabit natin sa dingding ha?” sabi pa ni Inay habang abala sa pagluluto. Hulu! Sineryoso talaga ang sinabi ko?! Hahaha!

Pagdating ng ala-una, nakatanggap naman ako ng text galing kay Mint at Harvey.

Mint: Where are you, friend? Every minute kang tinatanong sa’min nila Argel at Kiros today.

Harvey: Friend, masakit pa rin ba ang puso mo? I remember, kaya ka umalis kahapon agad ay dahil sa puso mo. Are you fine na ba?

Hindi na ko nagreply dahil tapos na pala ang unli ko.

Kinahapunan, habang abala ako sa pagbubunot ng buhok sa kili-kili ko sa harap ng salamin sa aming sala ay biglang lumabas si Inay sa aming kwarto.

“Wow, ‘Nay! Bakit ganyan ang suot niyo?” usisa ko.

Nakasuot kasi si Inay ng t-shirt na kulay pink, leggings na kulay violet, at rubber shoes na kulay neon green.

 

“Sinali kasi ako ng kumare ko sa grupo nila sa zumba,” sagot sa’kin ni Inay habang iminomodelo ang suot niyang outfit of the day. “Bagay ba?”

“Opo, ‘Nay. Bagay na bagay!” sagot ko. “Teka, ‘Nay, bakit niyo naman po naisipang sumali d’yan?”

“Medyo tumataba na kasi ako, Anak. Nawawala na ang mala-flower vase na figure ko,” sagot ni Inay habang nakapamewang.

“Hahaha! Saan ba kayo magzu-zumba, ‘Nay?” tanong ko pa.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon