Chapter 32: Just Give Me A Reason

5.1K 109 8
                                    

Dedicated to CyberCrescent for being the first one to give votes/likes in every chapter of this story! Thank you so much! ;)

 

 

CHAPTER 32

 

YNNAH’s POV

 

Laking gulat ko sa aking narinig. Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali. Si Argel nga ang nagsalita. At sa kanya rin nanggaling ang pagkaing nasa harapan ko ngayon.

“Ah—”

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang maglakad paalis. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makabalik at makaupo siya sa table nila kung saan nakaupo sila Gohan at Ecko. Kitang-kita rin sa mga mukha nito ang bakas ng pagkagulat sa ginawa ng kaibigan nila.

Di ko napansin na nakita din pala ng mga estudyante sa loob ng cafeteria ang ginawa ni Argel. Halatang lahat ay natigilan din at nagulat.

Tumingin ulit ako sa pagkaing nasa harapan ko. Parang mas lalo ang nawalan ng gana. Mas lalo kasi akong nahiya. Balak ko nga sanang tanggihan si Argel kanina kaso nga lang bigla na lang siyang naglakad paalis. Paano na ‘yan ngayon? Kakainin ko ba ‘to o hindi?

Napatingin ako kala Mint at Harvey. Nakatingin din sila sa akin. Tinitingnan ang mga susunod kong gagawin. Alam kong pati rin sila ay nagulat sa ginawa ni Argel. Gusto ko sanang tanungin kung kakainin ko ba ‘tong pagkain na binigay ni Argel o hindi pero syempre naisip ko naman na napakaarte ko naman kung tatanungin ko ‘yun. Binigyan lang nila ako ng tingin na nagsasabing kainin ko na.

Bakit kaya ako binigyan ng pagkain ni Argel? Siguro naawa ‘yun sa akin. Pero bakit naman ‘yun maaawa? Eh wala ngang puso ‘yung taong ‘yun eh. O baka naman may lason pala ‘tong pagkain na binigay niya sa akin? Magkasabwat pala sila ni Alexa. Haay, ano ba ‘tong mga pumapasok sa isipan ko. Eh kasi naman hindi ko lubos akalaing bibigyan ako ng pagkain ni Argel. Hindi talaga ako makapaniwala eh!

“Huy, friend!” tawag pansin sa akin ni Harvey. “Huy!”

Napatingin naman ako sa kanya.

“Kumain ka na, friend,” sabi sa’kin ni Mint. “Kanina mo tinititigan ‘yang pagkain mo.”

“Ayaw mo bang kumain n’yan?” tanong sa akin ni Harvey.

Hindi ako nakasagot.

“O nahihiya ka lang kainin dahil galing ‘yan kay Argel?” tanong naman ni Mint.

Hindi rin ako nakasagot. Bakit nga ba tinititigan ko lang ‘tong pagkain?

“Friend, kumain ka na,” sabi pa nilang dalawa sa’kin.

Kumain na rin ako.

ALEXA’s POV

 

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon