Chapter 31: Embarassing Moment

4.7K 97 12
                                    

Dedicated to UxmishiGirl for being the first one to give comments to this story! I appreciate it! ;)

 

 

CHAPTER 31

 

ALEXA’s POV

I was shocked when I saw the scratches on her left arm. Siya nga! Siya nga ang babaeng katulad ko nang damit nung Acquaintance party. She’s the girl who ruined my night. She’s the girl who embarrassed me in the party. She’s the mystery girl that everyone is dying to know about.

She was also shocked. I can see it on her face.

So that makes sense. Everything makes sense now. ‘Yung nakita ko last week na kausap siya ni Kiros at tinitingnan sila ni Argel ay may kinalaman nga sa identity ng mystery girl—sa identity ni puto girl!

I held her arms tightly. Inis na inis ako sa kanya. Inis na inis ako lalo na’t nalaman kong siya pala ang babaeng pumahiya sa akin. Hindi ko ‘to mapapalampas. Never!

“A-Alexa,” she muttered. I saw kung gaano na siya nasasaktan sa pagkakahawak ko sa kanyang braso.

Magsasalita na ko nang biglang…

“Good morning!”

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Our professor came in na pala. Kapapasok lang niya sa room namin.

Napansin kong bumalik na lahat ng mga classmates ko sa kanilang seats while I’m still holding puto girl’s left arm.

“Ms. Aldama and Ms. Catacutan, what is that all about? Is there any problem?” our professor asked us.

Lumingon ulit ako kay puto girl and let go of her left arm while saying, “We’re not yet over.”

And then I headed back to my seat. Humanda siya sa’kin. Mas lalo lang niya kong binibigyan ng reason to hate her so much.

YNNAH’s POV  

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Kinakabahan sa pwedeng gawin sa akin ni Alexa ngayong nalaman na niya na ako at ang babaeng katulad niya ng damit nung Acquaintance ay iisa. Buti na lang at dumating si prof. Kundi, baka kung ano na namang ginawa niya sa’kin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa upuan ko. Napatingin ako kay Argel. Nakatingin siya sa akin pagkatapos ay umiwas ng tingin. Naalala ko siya nung Acquaintance party. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga ang lalaking nagligtas sa’kin mula kay Alexa. At siya rin ang lalaking madalas na napapansin kong nakatingin sa akin nung gabing iyon.

Bumuntong-hininga na lang ako at umupo sa upuan ko. Nagkatinginan kami nila Mint at Harvey. Kitang-kita ko na naman ang mga tingin nilang nagpapahiwatig ng pag-aalala sa akin.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon