Chapter 28: Acquaintance Party

5.7K 101 5
                                    

CHAPTER 28

 

THIRD PERSON’s POV

Itinigil ni Kiros ang sasakyan sa tapat ng entrance ng hotel.

“Mauna ka nang pumasok sa loob ng hotel habang ipina-park ko ‘tong sasakyan,” sabi ni Kiros kay Ynnah sa loob ng sasakyan. Na-late na kasi sila ng sampung minuto. 7:10 na ng gabi.

Tumango lang si Ynnnah. Akmang tatayo na siya nang mapagtanto niyang naka-seatbelt pa pala siya. Napatingin siya kay Kiros.

“Ah, Kiros,” tawag niya dito. “P-paano tanggalin ‘tong seatbelt?”

Hindi nito alam kung paano alisin ang seatbelt dahil first time pa lang niyang makasakay sa kotse.

Dahan-dahan namang lumapit si Kiros upang tanggalin ang seatbelt ni Ynnah. Napatingin si Ynnah sa mukha nito habang tinatanggal ang seatbelt niya. Gwapong-gwapo siya sa lalaking katabi niya ngayon. Naamoy pa niya ang napakabango at lalaking-lalaki nitong pabango.

Nang maalis ni Kiros ang seatbelt ni Ynnah ay inalis din nito ang seatbelt niya at akmang lalabas sa sasakyan.

“Oh, saan ka pupunta?” pagtataka ni Ynnah dito. “Akala ko ba ipa-park mo ‘tong sasakyan mo?”

“Ipagbubukas lang kita ng pinto,” sagot ni Kiros na ikinakilig na naman ni Ynnah. Naisip ni Ynnah kung gaano ka-gentleman ang lalaking ito sa kanya.

“Ano ka ba, di na kailangan. Kaya ko naman,” nahihiyang sabi ni Ynnah dito. “I-park mo na lang ‘tong sasakyan para makapasok na tayo sa loob.”

“Sigurado ka?” tanong ni Kiros dito.

“Oo,” nakangiting sagot ni Ynnah. “Sige, bababa na ko.”

Pilit namang binubuksan ni Ynnah ang pintuan ng sasakyan pero hindi niya magawa. Hindi kasi niya alam kung paano ba binubuksan ang sasakyan pero pinipilit pa rin niya. Ayaw na kasi niyang abalahin pa si Kiros para buksan ang pintuan ng sasakyan para lang lumabas siya. Napaka-espesyal naman kasi niyang tingnan kung ganun.

“Ynnah?” tawag dito ni Kiros nang mapansing pilit na binubuksan nito ang pintuan ng sasakyan.

“Bakit?” nakangiting tanong ni Ynnah habang inaalog-alog at tinutulak-tulak pa ang handle ng pintuan ng sasakyan.

“Let me open it for you,” sabi ni Kiros nang mapansing nahihirapan na si Ynnah sa pagbubukas ng pinto. Lumapit ulit ito kay Ynnah at hinawakan ang kamay ni Ynnah na nakahawak sa handle ng pintuan ng sasakyan na ikinagulat ng huli saka ito ibinaba sabay tulak kaya nabuksan ang pintuan ng sasakyan.

Lumabas na si Ynnah ng sasakyan at naghanap naman si Kiros ng pagpaparkingan ng sasakyan niya.

Manghang-mangha si Ynnah nang makapasok sa hotel. First time lang din kasi niyang makapasok sa hotel. Naisip niya na napakadaming first time experiences niya ngayong araw na ‘to.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon