Chapter 7: Do's and Don't's

6.1K 106 4
                                    

CHAPTER 7

 

YNNAH’s POV

 

Matapos ang first subject namin na English kay Professor Villena, sumunod naman ang Filipino kay Sir Bascon.

“Okay class, get your book,” utos nito. “Go to page 24.”

O diba? Kahit Filipino yung subject, nag-i-English parin sila.

Napansin ko na sabay-sabay nilang inilabas ang mga tablet computers nila. Lahat sila meron. Akala ko ba books? Eh bakit yun ang inilabas nila?

Pagtingin ko sa kaliwa ko kung saan nakaupo si ateng mukhang Koreana, napansin ko ang kanyang iPad na pinipindot-pindot niya. Ganun din sa beki na nasa kaliwa ko. Parang may mga sariling mundo nga silang lahat eh. Walang pakialamanan yata ang motto nila.

Grabe naman sa yaman ang mga ito. Ibig sabihin, yun yung books na tinutukoy nung professor nila. Yung nasa tablet nila. Electronic books ang tawag dun. Nahiya naman ako. Wala pa man din akong pambili ng ganun. Cellphone nga wala ako eh, ganun pa kaya?

“Hey,” tawag sa akin nung ateng Koreana sa kaliwa ko. “Annyeong haseyo.”

Ano raw? Anyong? Ang alam ko lang anyong lupa at anyong tubig eh. Yun ba ang topic nila ngayon? Tungkol sa mga anyong lupa at tubig? Hindi ba’t pang elementary yun?

“Ano yun?” tanong ko. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

“I said, hi,” sagot niya. “Wala ka pang book?”

“Oo eh,” nahihiya kong sagot. Nagulat kasi ako nang kausapin niya ko.

“Come closer,” utos niya. “I’ll share you my book.”

Lalo ko pang ikinagulat ang sinabi niya. Mukha nga kasi siyang mataray at isa pa, wala sa mukha niya ang makikipag-usap sa tulad ko.

“S-sigurado ka?” tanong ko pa.

“Yes,” sagot niya sabay ngiti. “Why?”

“Ah, w-wala naman,” napangiti na rin ako. “Sige.”

At nakishare na nga ako sa iPad niya para masundan ang discussion. Habang nagdidiscuss naman ang professor namin, kinuha ko na ang opportunity na tanungin siya. Baka kasi mamaya hindi na niya ako pansinin eh.

“Uhm… Anong name mo?” pabulong kong tanong sa kanya. Baka kasi marinig ng prof.

“Mint,” sagot niya.

“Mint?” taka kong tanong. “As in mint na candy?”

Natawa siya ng mahina saka sumagot, “Yes.”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon